Nasa larawan (mula kaliwa) sina General Manager Mel Robles at Valenzuela Mayor Wesley Gatchalian, na hawak ang Charitimba na naglalaman ng bigas, grocery, at iba pang relief goods. Kasama rin sa larawan ang dalawang miyembro mula sa Valenzuela Alert Center. Ito ay kuhang larawan sa paglulunsad ng ahensya at sangay nito ng relief operation sa mga nasalanta ng Habagat at Bagyong Carina. (Photo courtisy of PCSO)
Patuloy ang paghatid ng tulong ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa mga mamamayang naapektuhan ng Bagyong Carina. Bukod sa Metro Manila, nakapagbigay na rin ang PCSO ng relief goods sa mga lalawigan ng Rizal, Baguio, Benguet, at La Union. Ayon kay Bong Arriola, pinangunahan ni PCSO General Manager Melquiades Robles ang pamamahagi ng pagkain at iba pang pangunahing pangangailangan sa mga biktima ng kalamidad.
Ang mga sumusunod na sangay ng PCSO ay tumugon sa panawagan ni GM Robles na magsagawa ng relief drive sa kani-kanilang mga lugar: PCSO Rizal Branch: Sa tulong ng Nineteen Aces Gaming and Amusement Corp STL-AAC, nagbigay sila ng hot meals at groceries sa mahigit 75 pamilya sa evacuation site sa Manuel Santos Integrated School, Barangay San Juan, Taytay, Rizal. PCSO La Union Branch: Kasama ang STL-AAC First La Union Leisure, namahagi sila ng pagkain sa 150 pamilya na apektado ng bagyo sa Bauang, Naguilian, at Caba, La Union. Pines Estate and Gaming Corporation sa Benguet at Baguio STL-AAC: Nag-donate ng 25 sako ng bigas sa mga apektadong pamilya sa lugar. PCSO STL-AAC Greatminds Games and Amusement Corp.: Kasama si Muntinlupa Vice Mayor Artemio Simundac, nagsagawa sila ng relief operations sa Barangay Bayanan, Muntinlupa City.
Bago pa nito, nag-distribute na rin si GM Robles ng Charitimba na naglalaman ng groceries, bigas, at iba pang relief goods para sa libu-libong biktima ng bagyo at baha sa CAMANAVA area, partikular sa Navotas Valenzuela at Malabon, na lubhang sinalanta ng habagat at bagyong Carina.