image

SAN JUAN CITY – “Lahat tayo ay may taglay na Henyo.” Ito ang ipinahayag ni education advocate Dean Henry Tenedero, Dean ng Life Skills sa St. Claire College at may-akda ng librong “Breaking the IQ Myth; Life Skills for Life Success; at Anak, Ikaw ay Henyo.”

Inilunsad ni education advocate Dean Henry Tenedero, Dean ng  Life Skills sa St. Claire College ang kanyang bagong libro na may pamagat na “Anak, Ikaw ay Henyo”noong Biyernes, Agosto 2, sa Club Filipino. Ang kilusang ito ay suporta sa DepEd (Department of Education), TESDA (Technical Education and Skills Development Authority), at ChEd (Commission on Higher Education).

Sa isang press conference, ibinahagi ni Dean Henry Tenedero ng St. Clare College na siya’y na-kickout sa high school pero nagpatuloy sa pag-aaral at naging retiradong Dean ng St. Clare College.

Sinabi ni Tenedero na lahat tayo ay may iba’t ibang uri ng katalinuhan. Ang “Henyo” ay hindi lang tungkol sa wika at matematika. Maraming matagumpay na tao na hindi naging magaling sa paaralan. Ang IQ ay limitadong sukatan ng katalinuhan.

Ang DepEd ay nagpapatupad ng Matatag Curriculum at binibigyang halaga ang “Filipino learner” sa gitna ng mga pagbabago sa edukasyon. Binanggit din ni Tenedero na kahit sina Bill Gates at Mark Zuckerberg ay hindi nakatapos sa tradisyonal na edukasyon pero naging matagumpay pa rin.

Nagtrabaho si Dean Tenedero sa Refugee Center noong 1982 at nagsulat ng “Life Skills for Life Success” mula Marso 2020 hanggang Disyembre 2022.

Naniniwala siya na mahalaga ang layunin ng pamumuhay kaysa sa halaga nito. Gusto niyang bawasan ang agwat ng mayayaman at mahihirap.

Hinikayat niya ang PTA na suportahan ang “Anak, Ikaw ay Henyo” movement na batay sa “Matatag, Maginhawang Kinabukasan sa Mag-aaral” curriculum ng DepEd.

Para kay Dean Tenedero, ang magandang asal at tamang pag-uugali (GMRC) ay dapat magturo ng life skills at hindi lang akademikong katalinuhan. Ayon sa kanya, mahalaga ang compassionate heart (EQ) kaysa sa thinking mind (IQ).

Ang life skills ay tungkol sa personal management, purposeful communication, gainful productivity, mindful perception, at social interaction.

Dagdag pa niya, ang sama-samang pagsisikap ng mga paaralan, guro, magulang, at komunidad ay makakatulong sa magandang edukasyon para sa kinabukasan ng mga kabataan.

Sinabi rin niya na kung minura siya ng kanyang ama noong siya’y na-kickout sa high school, hindi siya magiging matagumpay ngayon. Ang life skills ay tungkol sa pagpapalago ng kabutihan at pakikiramay, higit sa teknolohiya at katalinuhan.

image