image

Makikita sa larawan ang mga bagong halal na opisyal ng PaMaMariSan – Rizal Press Corps para sa termino ng 2024-2026, kasama ang ilang mga panauhing pandangal matapos ang kanilang induction at panunumpa.

Noong Huwebes (Sept. 12), Isinagawa sa Kapitan Moy Restaurant sa Marikina City ang induction at panunumpa ng mga bagong halal na opisyal ng PaMaMariSan-Rizal Press Corps, sa pangunguna ng lokal na pamahalaan ng lungsod.

Sa mensahe ni City Administrator Melvin Cruz na ang kaibahan ng social media ngayon ay ang mabilis na feedback o reaksyon kung tama ba o peke ang isang balita, at ang agarang epekto nito sa publiko. Inalala ni Cruz ang hirap ng trabaho noong una siyang nagsimula sa gobyerno ng Marikina noong 1992 dahil wala pang feedback system noon.

Nagpahayag din ng pasasalamat si Cruz sa pamahalaang lungsod ng Marikina, sa ngalan ni Mayor Marcy Teodoro, sa pagho-host ng nasabing okasyon na ginanap sa Kapitan Moy Restaurant.

Ayon naman kay konsehal Donn Favis, dati ay mga boses lamang ng mga radio broadcaster ang kilala, ngunit ngayon ay pati na rin ang kanilang mga mukha dahil sa social media. Binanggit niya na hindi maihahambing ang tradisyunal na media sa makabagong anyo nito, kahit pa sa panahon ng Artificial Intelligence.

Samantala, binigyang-diin ni Konsehal Angel Nunez ang ebolusyon ng social media mula sa tradisyunal na pamamahayag dala ng pag-unlad ng teknolohiya. Pinaalala niya ang mga halaga na isinasabuhay ng mga mamamahayag upang maitaguyod ang responsableng pamamahayag at mahusay na pagsasanay sa propesyon.

Inulit ni Janet Obispo, Hepe ng Human Resources, ang pahayag ni City Administrator Cruz tungkol sa taunang pagtitipon kasama ang media.

Si Sr. Supt. Josefino Ylagan, Deputy Director for Administration ng Eastern Police District (EPD), ang kumatawan kay Brig. Gen. Wilson Asueta, Director ng EPD. Binanggit ni Ylagan na mahalaga ang pakikipag-ugnayan sa komunidad upang muling mabuo ang tiwala ng publiko sa PNP at makamit ang layunin nitong pagsilbihan at protektahan ang mga Pilipino, at mapanatili ang kapayapaan at kaayusan ng bansa.

Sinabi naman ni Sr. Supt. Erwin Dayag, Hepe ng Pulisya ng Marikina, ang kahalagahan ng media sa pagpapakalat ng impormasyon tungkol sa mga proyekto at programa ng gobyerno. Ayon kay Dayag, may mahalagang papel ang media sa mga operasyon ng pulisya, lalo na sa mga operasyon kontra-droga, kung saan nagsisilbi silang mga saksi. Dagdag pa niya, mahalaga rin ang media sa pagbibigay ng tamang impormasyon sa oras ng aksidente o kalamidad, maging likas man o gawa ng tao.

Si Cristina Maralit, Kalihim ng National Press Club (NPC) at anak ng dating PNP Spokesman Brig. Gen. Chris Maralit, ang kumatawan kay NPC President Leonel Boying Abasola. Pinuri niya ang mahusay na pamumuno ni Neil Alcober, pangulo ng PaMaMariSan-Rizal Press Corps, at binigyang-diin na ito ang pinaka-maayos na kasapi ng NPC. Hinimok niya ang Press Corps na huwag maging biktima ng fake news at sundin ang Code of Ethics for Journalists.

Ang mga bagong halal na opisyal ng PaMaMariSan-Rizal Press Corps na nanumpa ay sina: Neil Alcober (Pangulo), Vick Aquino (Bise-Pangulo), Perfecto T. Raymundo, Jr. (Kalihim), Elma Morales (Ingat-yaman), Irwin Corpuz (Auditor), Nep Castillo (P.R.O.), Raffy Rico (Tagapangulo); Neil Miranda, Nolan Ariola, Gina Mape, Edd Usman, Christian Oineza, Felix Tambongco (Mga Direktor); at Maritess Pumaras, Knots Alforte, Alvin Murcia (Mga Miyembro).

image

image

image

e30c825c-bdee-4271-a60d-0535cc946d4f[3]

cc540954-3e87-4624-8a9e-8c9420d43212

23449f9a-d46a-49fd-a396-b228d63b71e4

09c50bf8-f4ef-41ee-a0dc-5db952172705

e5534d81-e060-4799-bec2-59fd42d93552