image

Quezon City—Inilunsad ang bagong tatag na People’s Alliance for Democracy and Reform (PADER) upang suportahan ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. (PBBM). Ang naturang aktibidad ay ginanap ngayong Biyernes, Oktubre 18, sa isang restawran sa Quezon City Memorial Circle.

Sa pagtitipon, limampung (50) lider mula sa iba’t ibang alyansa at multisectoral groups ang lumagda sa isang manipesto na nagpapahayag ng kanilang pagsuporta sa pamumuno ni PBBM. Layunin ng manipesto na kilalanin at ipagmalaki ang mga programang nasimulan ng Pangulo na naglalayong makamit ang tuloy-tuloy na kapayapaan at kaunlaran tungo sa isang Bagong Pilipinas.

“Ang ating makasaysayang pagkakaisa ay tungo sa pagpapalakas ng ating bansa. Kami ay buong pusong sumusuporta sa mandato ng taumbayan na ipinagkaloob kay Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. upang tiyakin ang isang Bagong Pilipinas at magandang kinabukasan para sa mga kabataan at mamamayang Pilipino,” ayon sa manipesto ng koalisyon.

Ipinahayag ng mga lumagda sa manipesto ang kanilang matatag na suporta kay Pangulong Marcos, at sinabi nilang naniniwala sila na si PBBM ang tamang lider para sa bansa. Anila, si PBBM ay may sapat na dedikasyon, sinseridad, at “political will” upang ipatupad ang mga mahahalagang programa na magdudulot ng pag-unlad sa Pilipinas.

Nangako rin ang PADER na maninindigan kasama ang mamamayan at pamahalaan upang masiguro ang maayos na pamamahala, mapayapang komunidad, at maunlad na kinabukasan para sa lahat ng Pilipino.

Buong tiwala ang mga lider na dumalo na hindi bibiguin ni Pangulong Marcos ang kanyang sinumpaang tungkulin sa bayan. (Photo by: JIMMY CAMBA)

imageimage

imageimage

imageimageimageimage