Idinaos ng GH Mall ang kanilang kauna-unahang Christmas Tree Lighting sa East Atrium noong Nobyembre 6. Ipinakita ang napakagandang pulang Christmas tree na may malalaking palamuti, na nagsimula ng masaya at makulay na selebrasyon para sa darating na Pasko. Dinaluhan ito ng mga may-ari ng puwesto at tindahan, pati na rin ng daan-daang bisita na nagtipon upang masaksihan ang magagarang dekorasyon at mga espesyal na palabas.
Ang Atrium ay nagmistulang winter wonderland na may snow show at light show, habang umaawit ang Manila Symphony Junior Orchestra at Los Cantates de Manila.
Pinangunahan nina Junie Jalandoni, Presidente at CEO ng Ortigas Land, ang Ortigas Family, at San Juan City Mayor Francis Zamora, kasama ang kanyang maybahay na si Keri Zamora, Cong. Atty. Bel Zamora, at iba pang opisyal ng lokal na pamahalaan. Inaanyayahan nila ang lahat na tangkilikin ang world-class shopping, dining, at entertainment na inaalok ng GH Mall ngayong kapaskuhan.
“Ito ay simula pa lang ng mga sorpresa ngayong Pasko,” ani G. Jalandoni. “Nais naming maging masaya at espesyal ang bawat pagbisita ng mga pamilya at magkakaibigan sa GH Mall.”
Bukod sa Christmas Tree Lighting, nagbigay rin ng saya ang Ortigas Malls sa mga bata ng White Cross Orphanage sa pamamagitan ng pamimigay ng gift packs na nagdulot ng kasiyahan at ngiti sa kanilang mga mukha.
Ayon naman kay James Candelaria, Vice President for Operations ng Ortigas Malls, sa panayam ng PaMaMariSan – Rizal Press Corps na pinamumunuan ni Neil Alcover ng Daily Tribune, may mga bagong mall hours ngayong kapaskuhan.
Lunes hanggang Huwebes: 8 AM hanggang 9 PM
Biyernes at Sabado: 10 AM hanggang 10 PM
Simula Disyembre 15, magbabago ang operating hours upang tugunan ang holiday rush, sa koordinasyon ng MMDA. Bukas ang mall mula 10 AM hanggang 11 PM. Mula Disyembre 18 pataas, palalawigin ang oras ng operasyon hanggang hatinggabi para sa mas mahabang oras ng pamimili.
Bukod dito, magsisimula na ang taunang Christmas Night Market ng Ortigas Malls sa Biyernes, Nobyembre 8, at tatagal hanggang Disyembre 30. Tampok dito ang mas modernong mga tiangge spaces na may mga bagong tindahan, bilang bahagi ng patuloy na pagpapaganda ng Greenhills.