Ipagdiriwang ng Southeast Asian Regional Center for Graduate Study and Research in Agriculture (SEARCA) ang ika-20 anibersaryo ng Asian Journal of Agriculture and Development (AJAD) sa pamamagitan ng serye ng seminar kasama ang mga may-akda ng espesyal na isyu.
Ang AJAD, na inilalathala ng SEARCA dalawang beses sa isang taon, ay isang peer-reviewed journal na naglalathala ng mga orihinal na pananaliksik, mga pagsusuri, at mga policy brief tungkol sa agrikultura at pag-unlad sa kanayunan sa Timog-Silangang Asya.
May temang “Asian Agriculture and Development in a Dynamic and Volatile Landscape of Demands, Peoples, and Risks”, tampok sa ika-20 anibersaryo ang walong papel mula sa mga kilalang eksperto sa buong mundo.
Magsisimula ang seminar series sa 18 Nobyembre 2024 sa pamamagitan ng isang espesyal na hybrid seminar, na magaganap sa Zoom, Facebook, at sa SEARCA sa Los Baños, Laguna. Bukas ito sa publiko.
Layunin ng serye na bigyang-daan ang mga may-akda, mananaliksik, at iba pang stakeholders na talakayin ang mga insight sa pananaliksik at ang aplikasyon nito sa totoong buhay na may epekto sa agrikultura.
Pangungunahan ng mga propesor mula sa Pilipinas at Amerika ang unang seminar. Ipapaliwanag ni Dr. Alfredo Mahar Francisco Lagmay mula sa UP Diliman at Executive Director ng UP Resilience Institute ang kanyang papel na “An Impact-Based Flood Forecasting System for Citizen Empowerment.” Itatampok ang paggamit ng real-time data analytics para sa paghahanda ng komunidad sa baha.
Tatalakayin naman ni Dr. Peter Timmer, Emeritus Professor ng Harvard University, ang kanyang sanaysay na “How I Learned to Stabilize Rice Prices and Why,” na tumatalakay sa 50 taon ng mga karanasan sa pagtugon sa stability ng presyo ng bigas.
Magsasalita rin bilang reactors sina Dr. V. Bruce Tolentino ng Bangko Sentral ng Pilipinas at Dr. Samarendu Mohanty ng The Rice Trader.
Sinabi ni .
Dadalo sa pagdiriwang ang mga kilalang lider at eksperto sa agrikultura, kabilang ang mga dating SEARCA Director at mga siyentipiko mula sa Los Baños science community. Magbibigay rin ng mahahalagang pananaw si NEDA Secretary Arsenio Balisacan, isa sa mga tagapagtatag ng AJAD. Ilalabas din ni Dr. Cielito Habito, editor ng AJAD, ang espesyal na isyu ng journal.