image

Nagbigay ng makulay at masiglang palabas ang mga kalahok sa #Pangisdaan Street Dance Competition na ginanap sa Navotas City, bitbit ang mga naglalakihang props at suot ang makukulay na costumes na simbolo ng kasaysayan at kultura ng lungsod.

Ang nasabing kompetisyon ay isa sa mga tampok na aktibidad sa pagdiriwang ng ika-119 taong anibersaryo ng Navotas, na taon-taon nang isinasagawa tuwing buwan ng Enero bilang bahagi ng tradisyonal na selebrasyon ng lungsod. Ang kaganapang ito ay patuloy na nagiging inspirasyon at pagpapahayag ng pagmamalaki ng mga Navoteño sa kanilang mayamang pamana at buhay sa pangingisda. (BOY CRUZ)