images (22)

Sa Pasig, hindi laging distansya ang problema sa biyahe — madalas, trapiko ang hadlang dahil sa  Maraming sasakyan ang nakaparada sa gilid ng kalsada, may mga terminal na hindi maayos ang espasyo, at maraming driver ang paikot-ikot sa paghahanap ng pwesto. Maliit man itong tingnan, pero araw-araw, lumalaki ang epekto nito.

Ang resulta? Mabagal na daloy ng trapiko, mabagal na negosyo, at mabagal na buhay para sa bawat Pasigueño.

May malinaw na solusyon si Ate Sarah: ang pagtatayo ng isang Multi-Level Parking Facility na may kasamang ligtas at maayos na terminal. Layunin nito na hindi lamang bigyang ginhawa ang mga motorista, kundi pati ang mga mamimili, tindera, trabahador, at iba pang umaasa sa mabilis na galaw ng lungsod.

Kapag maayos ang daloy ng sasakyan, mas mabilis ang kita. Mas ligtas ang lansangan. Mas buhay ang ekonomiya.

Ito ang lungsod na inaayos ni Ate Sarah — organisado, moderno, at progresibo.
Hindi lang ito pangako. Isang plano itong disenyado at isusulong.

Dahil ang kaayusan sa kalsada ay kaunlaran sa bawat tahanan.

image