PASIG CITY – Dalawang kandidato sa Pasig ang naging tampok nitong nakaraang mga araw: si mayoralty candidate Sarah Discaya, na nagpasalamat sa suporta ng mga kababaihang maralita, at si congressional candidate Atty. Ian Sia, na kinuwestyon ang demolisyon ng lumang Pasig City Hall.
Noong Huwebes ng gabi (Mayo 1), nasurpresa si Ate Sara sa libu-libong kababaihang maralita mula sa Barangay Rosario, Manggahan, at Bambang ang nagparada papuntang SGC Office bitbit ang mga placard at banner na may mukha at pangalan ni Discaya at ng Team Kaya This. Kasabay ito ng pagdiriwang ng Araw ng Paggawa.
Buong lakas nilang sinisigaw ang “Kaya This!” at inilahad ang kanilang pagkadismaya sa anim na taong pamumuno ng kasalukuyang administrasyon, na ayon sa kanila ay puno ng “pangako, paasa, at paawa.” Mariin din nilang itinanggi ang anumang bayad kapalit ng pagsali sa parada na tinawag na “Unity Walk”.
Nagpasalamat si Sarah Discaya at hinikayat ang taumbayan na ipagpatuloy ang suporta hanggang sa halalan sa Mayo 12.
Samantala, si Atty. Ian Sia ay nanawagan ng linaw hinggil sa demolisyon ng lumang Pasig City Hall. Aniya, wala pang naipapakitang Environmental Compliance Certificate (ECC) mula sa DENR, na isang pangunahing requirement bago gibain ang isang gusali.
Giit niya, dapat ay may pagsusuri mula sa structural engineer kung ligtas pa ba ang gusali o hindi, lalo na’t may mga bitak na umano itong nakikita. Binigyang-diin din ni Sia na may karapatan ang bawat Pasigueño na malaman kung saan napupunta ang pondo ng lungsod.
Nabatid na ₱250 milyon ang inilaang budget ng lokal na pamahalaan para sa demolisyon, kahit may mga kontratistang handang gawin ito nang libre kapalit ng mga debris at scrap materials.
Ang lumang city hall ay papalitan ng ₱9.6 bilyong bagong Pasig City Hall Complex na inaasahang matatapos sa loob ng anim na taon. Ang taunang budget ng lungsod ay umaabot sa sa nakalipas na tatlong taon.