image

Sa harap ng media, hinamon ni Engr. Selwin Lao si Mayor Vico Sotto: “Bigyan n’yo lang ako ng computer, at sa loob ng 6 na oras, kaya kong patunayang may anomalya sa P9.2-bilyong Pasig City Hall project.”

PASIG CITY – Naglabas ng matinding pahayag si Engr. Selwin Lao, presidente ng Wing-An Construction and Development Corp., hinggil sa umano’y anomalya sa ginagawang bagong gusali ng Pasig City Hall na nagkakahalaga ng P9.2 bilyon.

Sa isang press conference noong Sabado, tahasang inihayag ni Lao na handa siyang patunayan ang iregularidad sa proyekto sa mismong harap ni Mayor Vico Sotto.

“Mayor Vico, bigyan n’yo lang ako ng computer at sa loob ng anim na oras, kaya kong ipakita ang computation na magpapatunay ng anomalya sa proyektong ito,” ani Engr. Lao, isang structural engineer na may mahigit 40 taong karanasan.

Dagdag pa ni Lao, “Kapag napatunayan ko ang anomalya, hinihingi ko ang inyong pagbibitiw bilang mayor. Ngunit kung ako’y hindi makapagpatunay, ako mismo ang handang mabilanggo.”

Ayon kay Engr. Lao, maling desisyon ang pagpapagiba ng lumang gusali ng Pasig City Hall dahil inirekomenda umano ng mga eksperto ang retrofitting o pagsasaayos, at hindi demolisyon.

Ang P9.2-bilyong bagong city hall complex ay inaasahang matatapos sa loob ng anim na taon at layuning pagsama-samahin ang mga tanggapan ng pamahalaan sa iisang modernong pasilidad. Isa ito sa pinakamalaking proyekto sa kasaysayan ng Pasig City.

image