image

CAINTA, RIZAL — Sa gitna ng mga pagsubok dulot ng  nananatiling matatag at maagap ang pamahalaang lokal ng Cainta sa pamumuno ng masigasig at mapagmalasakit na si Mayor Johnielle Keith “Kit” Pasion Nieto.

Sa gitna ng patuloy na pagharap ng bayan sa mga hamon dulot ng matitinding pag-ulan at pagbaha, isang munting tulong ang hatid sa ating mga kababayan sa Cainta mula sa mga katuwang na pribadong sektor at indibidwal na may malasakit.

Naghandog ang Wingzilla Philippines at si Boss Anthony C ng 100 packed meals bilang dagdag-lakas at moral boost para sa mga residenteng naapektuhan ng kalamidad. Kasama rin sa donasyon ang mga kahon ng Extra Joss Energy Drink na ipamamahagi sa mga rescue volunteers bilang dagdag enerhiya habang patuloy silang nagsasagawa ng mga operasyon.

Maliban dito, isang rescue kayak mula sa UCM Group of Companies Inc. ang ipinagkaloob upang makatulong sa mabilisang pag-abot sa mga lugar na lubog pa rin sa baha. Ang kayak ay magsisilbing mahalagang kagamitan sa paghahatid ng tulong at paglikas sa mga residenteng nasa panganib.

Ang pagkakaisa ng mga pribadong grupo at lokal na pamahalaan ay patunay na ang bayanihan ay buhay na buhay sa Cainta. Patuloy ang pagtutulungan upang matiyak ang kaligtasan at kapakanan ng bawat Cainteño.

Sa pamumuno ni Mayor Kit Nieto, kasama ang mga katuwang sa serbisyo, tiyak na mas mapapalakas pa ang kakayahan ng Cainta na tumugon sa anumang sakuna—ng may malasakit, bilis, at puso para sa mamamayan.

imageimage