image

TAYTAY, RIZAL — Dalawang sunod na araw nang nagsagawa ng relief operations ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) para sa mga residenteng apektado ng pagbaha sa Brgy. San Juan, Taytay, Rizal dulot ng Bagyong Crising at Habagat.

Noong Hulyo 22, pinangunahan ni PCSO Director Janet De Leon Mercado ang pamamahagi ng 516 Charitimba—mga food packs na bahagi ng PCSO’s Corporate Social Responsibility (CSR) program. Ang inisyatibong ito ay tugon sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na agarang makapaghatid ng tulong sa mga lugar na sinalanta ng kalamidad.

Nasundan ito kinabukasan, Hulyo 23, ng panibagong relief mission ng PCSO, kung saan namahagi pa ng karagdagang 207 food packs para sa mga pamilyang pansamantalang lumikas dulot ng walang tigil na ulan at pagbaha.

Katuwang sa operasyon ang Nineteen Aces Gaming and Amusement Corp. at ang PCSO Rizal Branch, na nagtungo sa iba’t ibang evacuation centers kabilang ang:

* Hapay na Mangga Elementary School

* Casimiro Ynares Sr. Memorial National High School

* Simona Covered Court

* Muzon Covered Court

Layunin ng pamamahaging ito na agad na matulungan ang mga residenteng nawalan ng tirahan o nananatili sa evacuation centers.

Nagpasalamat naman ang lokal na pamahalaan ng Taytay, sa pangunguna ni Mayor Allan De Leon, sa patuloy na malasakit ng PCSO at ni Director Janet De Leon Mercado.

Tunay na damang-dama sa Taytay ang serbisyong “Hindi Umuurong sa Pagtulong” ng PCSO para sa mga nasalanta.