image

LUNGSOD NG MARIKINA — Muling ipinamalas ng Marikina, kilala bilang Shoe Capital ng Pilipinas, ang husay at galing ng mga lokal na sapatero sa paggawa ng mga produktong tunay na “gawang kamay at gawang puso.”

Pinangungunahan nina Rep. Marcelino “Marcy” Teodoro at Noel Evangelista, may-ari ng C Point Marikina Shoes, ang mga programang tumutulong sa mga sapatero at negosyante ng sapatos upang patuloy na palakasin ang lokal na industriya.

Ayon kay Rep. Teodoro, mahalagang buhayin at palakasin ang industriya ng sapatos dahil ito ay bahagi ng pagkakakilanlan at kabuhayan ng libo-libong Marikeño.
“Ang sapatos ng Marikina ay hindi lamang produkto, ito ay simbolo ng sipag, galing, at puso ng bawat pamilyang Marikeño,” aniya.

Sinabi naman ni Evangelista na patuloy nilang isusulong ang paggamit ng dekalidad na materyales at makabagong disenyo upang makasabay sa pandaigdigang pamilihan.
“Ang bawat pares ng sapatos ay gawang puso, hindi makina,” dagdag niya.

Inaasahang lalong mabubuhayan ang industriya sa nalalapit na Marikina Shoe Festival 2025 na gaganapin mula Nobyembre 14, 2025 hanggang Enero 18, 2026, kung saan tampok ang mga bagong disenyo at inobasyon ng mga lokal na sapatero.
Layunin ng festival na ipakita na ang “Made in Marikina” ay sagisag ng husay, tibay, at pagkakakilanlan ng Pilipino.

Hinikayat din ng lokal na pamahalaan ang publiko na tangkilikin ang “Gawang Marikina” bilang suporta sa mga manggagawa at negosyanteng muling bumabangon.
Ayon kay Evangelista, may lifetime warranty ang lahat ng at nagbibigay sila ng makinang panahi sa mga nanay na nais magtrabaho sa bahay.

Ang kanilang leather shoes ay nagkakahalaga ng ₱500 hanggang ₱2,500 na may 50% diskwento, mas abot-kaya kaysa sa mga sapatos sa malls.

Nanatiling matatag ang industriya sa kabila ng murang imported na produkto dahil sa tuloy-tuloy na suporta ng pamahalaang lokal.
Ayon sa Marikina Shoe Industry Development Office (MSIDO), tumataas muli ang demand sa handcrafted leather at custom-made shoes na paborito ng mga opisyal, propesyonal, at OFWs.

Patuloy ding ine-export sa Japan, Italy, at Estados Unidos ang mga produktong gawang Marikina.
Sa Shoe Festival 2025, tampok din ang mga pagsasanay at business seminar para sa mga nais pumasok sa negosyo ng sapatos.

image

image