Ortigas East, Pasig City – Napuno ng sigla at saya ang ika-4 na Run Ortigas noong Nobyembre 16, na dinaluhan ng mga runners at kanilang masisiglang fur babies. Inorganisa ng Ortigas Land katuwang ang Runrio, matagumpay nitong pinagsama ang fitness, fun run, at pet-friendly bonding para sa Ortigas Community.
Mga Nanalo sa Karera
Sa 16K, nagkampeon sina Mark Anthony Oximar (1:00:56) para sa lalaki at Maricar Camacho (1:08:05) para sa babae. Sinundan sila ng mga top finishers na sina Aron Fresco, Joel Orlanes, Eloisa Cusi, at Jocelyn Elijeran. Sa 5K, nanguna si Raisen Camba (00:18:14) sa male category, habang si Jonalyn Elijeran (00:24:34) naman ang nag-uwi ng top spot sa female division. Kasama rin sa top finishers sina Kyle Kaizer Lardizabal, James Rigor Celajes, Nicole Dominique dela Cruz, at Rona Raissa Gutierrez.
Fur Baby Category
Pumatok ang 1K Fur Baby Race, tampok ang tandem ng runners at kanilang alaga. Nanguna sina Cyclone at fur dad Jojie Daga-as (00:02:57) at si Chopper at fur mom Alyesa Cabanes (00:04:11). Sumunod sa podium finishes sina Mia at Ralph Velasco, Atorni at Haydee Tabangay, Bobbie at Uriah Pancho, at Quina at Karen Marie Robles.
