PCSO Nagtaas ng Lotto Jackpot: Ultra Lotto, ₱75M Agad!

MANILA — Mas pinataas ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang minimum jackpot prizes ng mga pangunahing lotto games simula Pebrero 1, 2026, para mas maging kapanapanabik at mas sulit ang bawat taya.

Sa bagong prize structure, ang panimulang jackpot ay:

Lotto 6/42 – ₱10 milyon
Mega Lotto 6/45 – ₱15 milyon
Super Lotto 6/49 – ₱25 milyon
Grand Lotto 6/55 – ₱45 milyon
Ultra Lotto 6/58 – ₱75 milyon

Nilinaw ng PCSO na mananatili ang progressive jackpot system, kaya patuloy na lalaki ang premyo kapag walang nananalo hanggang may makakuha ng tamang anim na numero.


Ayon kay PCSO General Manager Melquiades Robles, layon ng mas mataas na panimulang jackpot na gawing mas exciting ang bawat draw at mas maganda ang balik sa mga manlalaro, kahit may kaunting pagtaas sa presyo ng ticket.

Dagdag niya, ang mas maraming tumataya ay mas malaking pondo rin para sa mga programang pangkalusugan, medikal, at serbisyong panlipunan ng PCSO.

Pinayuhan naman ng PCSO ang publiko na maglaro nang responsable at kumuha lamang ng opisyal na resulta mula sa mga awtorisadong PCSO channels.

Facebook Comments