Ang TulΓ’ TΓ‘yo 2026 ay isang online na timpalak sa pagsulat ng katutubong tulΓ’ na naglalayong palaganapin ang talino at malikhaing pagpapahayag sa wikang Filipino. Layunin din nitong hikayatin ang maigting na partisipasyon ng mga makata mula sa ibaβt ibang rehiyon ng bansa.
Bukas ang timpalak sa mga tulang dalΓt, diyΓ³na, at tanagΓ na nakasulat sa wikang Filipino at pumapaksa sa tema ng Buwan ng Panitikan 2026: βBekΓ«t (Bigkis) Panitikan sa Katwiran at Kalikasan.
1. Paraan ng Pagsumite:
Ipo-post ang mga tulΓ’ (dalΓt, diyΓ³na, o tanagΓ ) sa seksiyon ng komento at ilalagay rin sa Google Form link (na ilalabas pa lamang) na makikita sa nakatalagang poster ng bawat anyo ng tulΓ’ upang maging opisyal na lahok.
Iskedyul ng Pagtanggap ng Lahok:
Pebrero 23β27, 2026 β DalΓt
Marso 2β6, 2026 β DiyΓ³na
Marso 9β13, 2026 β TanagΓ
2. Pagiging Opisyal ng Lahok:
Magiging opisyal lamang ang lahok kapag naipasa ito sa Google Form link na matatagpuan sa opisyal na Facebook page ng Komisyon sa Wikang Filipino.
3. Orihinalidad at Antas ng Wika:
Tanging mga orihinal na tulΓ’ na nakasulat sa wikang Filipino at nasa antas tudlikan ang tatanggapin. Kailangang umayon ang paksa sa tema ng Buwan ng Panitikan 2026.
4. Gantimpala:
Tatanggap ng β±1,000.00 ang unang sampung (10) magwawagi sa bawat anyo. Ipapaskil ang mga nanalong akda sa opisyal na website at social media ng KWF.
5. Pasiya ng Hurado:
Pinal at hindi na mababago ang magiging pasiya ng mga hurado.
Facebook Comments
