WALANG WEATHER-WEATHER: DAR TULOY ANG SERBISYO SA MGA MAGSASAKA

768442341_1390479256352238_3343731949859426291_n

QUEZON CITY — Sa kabila ng work-from-home arrangement sa ilalim ng Memorandum Circular No. 123 at masamang panahon, nagtipon ngayong araw ang mga opisyal ng Department of Agrarian Reform (DAR) mula sa iba’t ibang panig ng bansa upang ipagpatuloy ang mahahalagang programa para sa mga Agrarian Reform Beneficiaries (ARBs).

Pinangunahan ni DAR Secretary Conrado M. Estrella III ang pagpupulong kasama ang mga Undersecretaries ng ahensya at Regional Directors mula sa buong bansa. Tinalakay sa pulong ang mga naging accomplishment ng DAR ngayong taon, gayundin ang mga programa at hakbang na kailangan pang isulong upang higit na mapabuti ang kalagayan ng mga ARB.

Kabilang sa mga prayoridad ng ahensya ang pagpapataas ng ani, pagpapalawak ng produksyon at pagpapalakas ng kita ng mga magsasaka. Layunin din ng DAR na palawakin ang ugnayan ng mga ARB sa pribadong sektor at iba pang potensyal na katuwang na makapagbibigay ng access sa teknolohiya, puhunan, merkado at iba pang suporta.

769317997_1552531406354696_2002782128118347929_n770767025_4484889431722908_6646956519374371818_n

Dumalo rin sa talakayan ang mga kinatawan ng Tao Seeds na nagbigay-diin sa kahalagahan ng public-private partnerships sa paghahatid ng makabagong teknolohiya sa agrikultura, de-kalidad na farm inputs at dagdag na kaalaman sa mga magsasaka.

Ibinahagi rin ng Tao Seeds ang kanilang mga programa para sa mga lokal na seed growers at pagsasanay sa mga magsasaka bilang suporta sa pagpapataas ng produktibidad sa sakahan.

Ayon kay Secretary Estrella, mahalaga ang dedikasyon ng buong DAR community—mula sa mga opisyal hanggang sa rank-and-file employees—upang matagumpay na maipatupad ang mga programa at polisiya para sa kapakanan ng mga magsasaka.

Pinuri rin ni Estrella ang patuloy na dedikasyon ng mga kawani ng DAR. Sa isang magaan na bahagi ng kanyang mensahe, binanggit niya ang paalala ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. noong nakaraang State of the Nation Address na huwag siyang magretiro nang maaga.

772119783_1086052460440401_5646601359523386427_n772938725_961482060308535_2346487144589185655_n

Biro ni Estrella, “nobody among you should retire also,” na naghatid ng tawanan sa silid. Ngunit higit sa naging biro, nagsilbi itong paalala na marami pang kailangang gawin para sa mga Agrarian Reform Beneficiaries.

Patuloy na susuriin ng DAR ang mga nagawa na nito at tutukuyin ang mga susunod na hakbang upang higit pang mapataas ang produksyon, kita at kabuhayan ng mga magsasaka. Sa kabila ng anumang hamon, tiniyak ng DAR na mananatiling prayoridad ang kapakanan ng mga magsasakang Pilipino.

772773192_1456655722890734_880291329901928225_n770678360_2303150923763344_5697818389040873012_n769375249_1074388485101952_6089615624922805619_n

 

Facebook Comments