KWF AT BPSU, PINATATAG ANG KOOPERASYON SA WIKA AT KULTURA

525b20f3-ab2b-485d-ba23-a3fda613cee9.jfif

QUEZON CITY — Pinagtibay ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) at Bataan Peninsula State University (BPSU) ang kanilang pagtutulungan sa pagtataguyod ng wikang Filipino at kulturang Pilipino sa pamamagitan ng paglagda sa Memorandum of Understanding (MOU) noong Oktubre 13, 2026, sa Bulwagang Romualdez ng KWF.

Layunin ng kasunduan na ipagpatuloy ang kanilang kooperasyon at mga programa ng Sentro ng Wika at Kultura (SWK) sa BPSU.

Sa kaniyang mensahe, binigyang-diin ni KWF Tagapangulong Atty. Marites A. Barrios-Taran ang pagtataguyod ng pambansang wika at kultura. Tinalakay naman ni Dr. Benjamin M. Mendillo Jr., Fultaym Komisyoner para sa Pangasiwaan at Pananalapi ng KWF, ang kahalagahan ng pagpapanatili ng mga SWK sa mga pamantasang pampamahalaan.

bbe92530-1dda-4fd1-b29d-abc23e99044f.jfif

Ipinahayag din ni BPSU President Dr. Ruby B. Santos-Matibag ang suporta ng pamantasan sa pagpapatuloy ng nasabing pagtutulungan.

Dumalo rin sa aktibidad si G. Joshua S. Sarmiento, Instructor I at bagong Direktor ng SWK sa BPSU, na kumakatawan sa pamantasan sa pagtataguyod ng sentro.

Inaasahang magsisilbing daan ang kasunduan upang maipagpatuloy at mapalakas ang mga programang nagtataguyod sa wikang Filipino at kulturang Pilipino sa loob ng pamantasan.

c76922cb-cdd5-48d9-a0be-69ddbde470d7.jfif

Facebook Comments