Skip to content
l
  • About
  • Contact Us
  • Staff Box
  • Advertise with us
Noon Break Balita Noon Break Balita

Maiinit na balita tuwing tanghali.

  • Home
  • News
    • Nation
    • Metro Manila
    • Regional
    • World
  • Science and Technology
  • Agriculture
  • More
    • LARGA!LARGA! ni Whin Corpuz
    • Business
    • Education
    • Entertainment
    • Lifestyle
    • Police Report
    • Special Reports
    • Technology
  • Facebook

CPAR, on “Potato-based Farming System” Itinaguyod sa Malaybalay City, Bukidnon

Posted by Raffy Rico October 30, 2019

image

Ang white potato o patatas ay isa sa mga pangkaraniwang halamang ugat na itinatanim sa Pilipinas. Kinilala din ito ng Department of Agriculture bilang isang “priority crop” dahil sa pang industriyal at komersyal na potensyal nito.

Bagamat madaming benepisyong nakukuha sa patatas, hindi maabot ang demand sa supply nito dahil sa mga peste na balakid sa mga pananim.

Base sa mga datos na nakalap, 50 hanggang 75 na porsyento ng “bacterial wilt” o Ralstonia solanacearum ang dahilan ng mababang produksyon ng patatas sa bansa. Tinatayang 5 hanggang 10 toneladang patatas kada ektarya lamang ang naaani dahil sa bacterial wilt.

Upang bigyang solusyon ang problema, naitaguyod ang “Community based Participatory Action Research (CPAR) on Potato-based Farming System” sa Imbayao, Malaybalay City, Bukidnon.

Ang proyektong ito ay pinondohan ng Bureau of Agricultural Research o BAR at pinangunahan ng DA–Regional Field Office 10 kasama ang lokal na gobyerno ng Malaybalay City. Layon ng proyekto na mapataas ang produksyon ng patatas upang makatulong sa mga magsasaka.

Ayon sa project leader na si Dr. Berly Tatoy ng DA–RFO 10, simula nang ma-implementa ang CPAR noong 2010, naturuan ang mga magsasaka ng teknolohiya sa pagtatanim tulad ng field bulking, crop rotation, goat production, seed plot technique, commercialization of quality potato seeds, at crop and goat integration.

Isa sa mga magsasakang natulungan ng mga teknolohiyang hatid ng CPAR, si Ginang Lilia Esconde, 53 taong gulang, na ngayon ay nakakapag produce at benta na ng malaking bilang ng ani.

Maituturing na isang tagumpay ang hatid ng CPAR dahil hindi lamang nito napataas ang produksyon at kita ng mga magsasaka, nagkaroon pa sila ng dagdag na kaalaman at teknolohiya upang mapaunlad ang sektor ng agrikultura.

Para sa iba pang mga research at technology, maaaring i-like ang opisyal na Facebook page ng DA–BAR sa fb.com/DABAROfficial (f-b dot com slash d-a bar official).

Facebook Comments
Last updated on November 3, 2019
Raffy Rico
Publisher of Noon Break Balita
View All Posts

Post navigation

Previous Post
CPAR 4th farmers ang fisherfolk Congress Idaraos sa 0ktubre 28-29, 2019
Next Post
SEARCA and ASEAN center renew ties to mainstream biodiversity in agriculture SEARCA and ASEAN center renew ties to mainstream biodiversity in agriculture
Advertisment


DRP Media Productions


DRP Media Productions




Recent Stories
  • Marikina, nagbukas ng “Paskong Pag-asa” sa ika-29 Anibersaryo ng Pagiging Lungsod
  • NAST PHL Pinarangalan ang Mga Natatanging Siyentista at Kabataang Inhenyero
  • Caloocan Victory Plaza: Bagong Sentro ng Biyahe at Pamumuhay
  • ₱10K CNAI Incentive sa 2025, Inanunsyo sa DepEd-NEU Congress
  • 650+ Kabataang Pilipino, Natulungan ng RISE for Youth Program ng Makesense Asia at VFS Global
  • Abalos: Marcos Jr. nagbigay umano ng kidney sa ama noong 1980s
Follow us on Facebook
Follow us on Facebook
Copyright 2025 © Noon Break Balita. All rights reserved.
Site Access
Scroll to Top