Sa loob ng mahigit dalawang dekada, libo-libong magsasaka at mangingisda na ang nakinabang sa implementasyon ng Community based Participatory Action Research program o CPAR ng BAR.

Kasabay ng ika-dalawampu’t isang taon nito, idaraos ang ika-apat na National Community-based Participatory Action Research Farmers and Fisherfolk Congress o CPAR Congress sa October 28-29, 2019 na gaganapin sa Bureau of Soils and Water Management Convention Hall, Diliman, Quezon City. Isa ito sa nangungunang banner ng BAR.

Ang nasabing pagdiriwang ay may temang: “Ibayong pakikilahok ng masa sa pananaliksik at pagpapalaganap ng makabagong teknolohiya para paunlarin at pasiglahin ang ekonomiya sa kanayunan,” magtitipon-tipon ang mga magsasaka at mangingisda mula sa kanayunan upang ibahagi ang kani-kanilang mga kwento ng tagumpay.

Ang mga magsasaka’t mangingisda mismo ang magbibigay ng patotoo sa tulong na naibahagi sa kanila ng CPAR program.

Para sa karagdagang impormasyon, maaaring i-like ang opisyal na  Facebook page ng DA-BAR sa fb.com/DABAROfficial (f-b dot com slash d-a bar official).