Pagbati muna sa bagong taon mula sa programa
Ito kasi ang unang pagsasahimpapawid sa taong bago na
Tunay na kay tulin ng paglipas ng mga taon talaga
Pero ang mahalaga ay naririto pa sa lupa at masigla
Kaya mapagpalang bagong taon sa inyong lahat
Ang programang pinoy scientist ay nagpapasalamat
Pagkakataong magbahagi ng impormasyon ay matitiyak
Hanggat nilalaanan ninyo kami ng inyong mahalagang oras
Kaya sa hapong ito ay ating pababatiin
Walang iba kungdi ang 2 nating kalihin
Una si Sec Fortunato de la pena ang uunahin
Isunod natin ang sa Agrikultura at si Sec William Dar ang babanggitin
Ang unang ahensyang may acronym na DOST
Dept of Science and Technology
Na patuloy na nagsisikap na mabuti
Na ang S and T ay para talaga sa nakararami
Ibig sabihin na ang siyensa at teknolohiya ay para sa mga tao
Sa larang ng Agrikultura ay sobrang totoo
Bunga ng pananaliksik ay susi para umasenso
Maitaas ang kalidad ng pamumuhay sa mundo
Kaya naniniwala akong mas magiging mas masigasig
Tulad ng iba pang ahensyang nagsisikap nang higit
Na mga mandato sa kanila ay magawa at maihatid
Sa mga taong nararapat na tumanggap ng mga services
Muli sa ating mga kalihim na babati mamaya
Kasabay ng lahat ng sa gobyerno ay tagapangasiwa
Kasihan po tayong lahat ng makapangyarihang manlilikha
Na siyang sa ating mga tungkulin ay mismong nagtalaga
Salamat po.Happiness❤️❤️
JOSEPHINE DIONELA-AGAPITO, DrPH
Associate Professor, Department of Biology, College of Arts and Sciences, University of the Philippines Manila
Padre Faura, Ermita, Manila
Tel. No. (632) 526-5861