Nagmistulang forest fire ang ilang bahagi ng bakanteng lote na may mga tumutubong damo, saging at talahib malapit sa bagong ginagawang Toll Exit sa Mamplasan, San Pedro, Laguna Kahapon Bandang alas 4:00 ng Hapon.
Papauwi na ang team ng Philippine Press Club Inc. (PPCI) kahapon Enero 23, galing sa paghahatid ng mga relief goods sa Sta Rosa Laguna para ipamigay sa mga naapektuhan ng ashfall sa pag aalburuto ng Bulkang Taal, na kung saan naligaw ang grupo sa daan ng nasabing lugar, na imbis na dumiretso, bigla kaming napaliko sa kanan! Sa aming pagkaligaw nadaanan namin ang sobrang laki ng usok na kung saan nasusunog na pala ang isang malawak at bakanteng lote sa nasabing lugar.
Halos di namin makita ang dinadaanan dahil sa laki ng usok na aming sinuong dahil sa wala na kaming choice, diniretso na ng aming sinasakyan na minamaneho ng aming team na si Jimmy Camba ang kalsada na kinakapa na lang ang daan ng dahan dahan para lamang malagpasan ang super kapal na usok.
Nalagpasasn namin ang usok at ligtas kaming nakadaan, pagdating namin sa dulo isa pala itong subdivision na kung saan ayon sa guwardiya ang dinaanan namin ay hindi palabas ng south expressway kung kaya ibinalik ni Camba ang sasakyan para tunguhin ang tamang daan palabas ng Mamplasan exit. Sa aming pagbalik muli naming dadaanan ang lugar na kung saan nga mas grabe na ang usok at may apoy na, kung kaya di na kami nakadaan at inantay na lang namin ng halos isang oras para mapawi na ang apoy at usok. Sa pagkakataon na yun nagdatingan na ang mga bumbero para patayin ang nasabing sunog na tumagal halos ng mahigit isang oras.
Hindi na rin namin hinintay pa na maapulang lahat ang apoy, dumaan na rin kami para makauwi na sa aming uuwian sa Maynila, nakauwi kami ng hindi man lamang namin nalaman ang naging sanhi ng sunog dahil pagod na rin kami galing sa pag dala ng mga relief goods para sa mga nasalanta ng pagsabog ng Bulkang Taal.