Inuwi ng representative ng Region IV-B ang kampeonato sa Pambansang Paligsahan sa Ispeling o “ang Iispel Mo!” matapos makasagot ng sampung tamang sagot sa mahirap o last round ng kompetisyon. Isinasagawa taon taon ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ang nasabing patimpalak na ngayo’y ginanap sa SEAMEO-INNOTECH, Commonwealth, Diliman, Quezon City, ika-25 ng Enero, 2020.
“Kung anong uri ng kabataang Pilipino mayroon tayo ngayon, tandaan niyo mga anak, yan ang uri ng bansang bubuuin ng mga produktibo, magagaling, mahuhusay na mamamayang Pilipino sa hinaharap.” Ani ni Atty. Tonisito M. C. Umali, Pangalawang Kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) bago magsimula ang tagisan ng mga mag-aaral. “Mabuhay kayo mga anak. Mga anak, wag kayong mag sawang mangarap.” Dagdag pa ni Umali.
Binubuo ng 17 representante ng bawat Rehiyon sa Pilipinas ang napiling magpakita ng kanilang galing sa pag ispel o pagbaybay ng mga wikang Filipino. Ang mga batang napili ay mga nasa ika-anim na baitang ng elementarya kung saan sila’y nagwagi sa kani-kanilang mga sariling rehiyon na kinakatawan.
Ang Region IV-B representative na si Jamila Daphelene Aceveda ang nakakuha ng pinakamataas na score na umabot sa 95%, kung kaya siya ang tinanghal na kampiyon sa patimpalak, pumangalawa ang Region-9, pagatlo ang Region-12, pang apat Region-8, at ang panglimang titulo ay nasungkit naman ng Region-5.
Ang estudyanteng nag wagi ng unang karangalan ay tumaggap ng papremyong P35,000 na may kasamang medalya, plaque, at tropeyo; 2nd place – P25,000; 3rd place -P15,000; 4th place – P10,000; at ang 5th place naman ay P5,000 kasama na rin ang tropeyo, medalya, at plaque .
Tumanggap naman ng consolation prize ang mga runner ups na mga estudyante at coach na may kasamang medalya at tropeyo.