Inatasan ni Cainta Mayor Atty. Kit Nieto ang Konseho, na magdeputized ng isang grupo na huhuli at mag-iissue ng citation tickets. para sa mahigpit na pagpapatupad ng disiplina at kalinisan sa bayan ng Cainta, Ito ay para doon sa mga nasa kalsada na magkakalat sa lansangan, partikular yung may mga sasakyan at mga pasahero nito. Sinimulan na umano sa ngayon ng mga deputized na grupo ang paninita sa mga nagkakalat sa lansangan subalit, ang panghuhuli umano sa mga lalabag ay sa darating na lunes pa ipatutupad.
Para sa clearing operations, mahigit na 800 na katao ang kanyang ini-assign sa iba’t ibang lugar, ayon kay Nieto. Ang mga trabahong sakop nito ay cleaning, drainage backdoor machine, paglilinis ng illegal parking, demolisyon ng mga nakaharang sa kalye, at paglilinis ng mga kalat na iniwan ng kung sino-sino. Aniya, pagdating sa kalinisan at disiplina, siya ay istrikto, lalo na sa munisipyo at sa mga paaralan. Dapat bata pa lamang umano ay matuto na sa hygiene and sanitation.
Mahigpit din ang pagtutol ng Alkalde sa paglalagay ng urinal sa mga pampublikong lugar dahil sa ito umano ay napaka-unsanitary. “ Hindi ko ginusto ang urinal sa public kasi its very unsanitary. Kahit pumunta ka sa ibang bansa wala kang makikitang ganoon”, ayon pa sa Alkalde.
Hindi rin pabor ang Alkalde sa madalas na pagpalit-palit ng mga hepe sa mga lokal na pamahalaan dahil sa hindi umano nakakabuo ng maganda at epektibong plano para sa maayos na pamamalakad sa lugar na nasasakupan nito. Bagama’t wala umanong problema ang bayan ng Cainta, mas nais ng Alkalde na maibalik ito sa ilalim ng pangangasiwa ng LGU’s. Naniniwala si Mayor Nieto na kung ang termino ng alkalde ay tatlong taon, ganoon din sa hepe. Magkakaroon umano ng magandang relasyon ang hepe at ang nasasakupan nito. Nabangit din ng Alkalde na sa kanyang pag upo ng halos pitong taon na, labing-limang beses na umanong nakapagpalit ng hepe ang Cainta.