Pinangunahan ni DAR Secretary Brother John Castriciones ang paglulungsad at paglagda sa isang kasunduan o Memorandum of Undestanding (MOU), kasama ang Department of Agriculture (DA) sa pakikipagtulungan ng BREAD Society International, local government ng Quezon City, Agrarian Reform Beneficiaries Organizations (ARBO’s) Barangay Bagong Silangan, New Greenland Farm, Quezon City na kung saan ginanap ang nasabing pagtitipon.
Sa ginanap na unveiling ng proyektong “Buhay sa Gulay” paglungsad, at MOU, ito ay nilagdaan nina: Director Rene E. Colocar, DAR CALABARZON Region, Director Alfredo S. Anton at Deputy Director Rosana P. Mula, Agriculture Training Institute, Director Mariflor R. Liwanag , TESDA QC District Office, Mayor Joy Belmonte , Quezon City LGU, Vice President Edwin P. Verzano, BREAD Society International Central District , Barangay Bagong Silangan Chairman Wilfredo L. Lara, at ang reperesentante ng ARBO’s Rizal.
Ayon sa kalihim ng DAR, direktang makikinabang sa proyektong “Buhay sa Gulay” ay ang 70 benepisyaryo at mismong sila ang magsasaka, mag aasikaso at manganagalaga sa nasabing taniman, dahil sila rin ay residente ng Green Farm, Barangay Bagong Silangan sa Lunsod Quezon.
Sinabi pa ni Brother John Castriciones, na ang pakikipagsanib pwersa ng DAR at DA sa lokal na pamahalaan ng Quezon City, Technical Education and Skills Development Authority, Bread Society International, Agrarian Reform Beneficiaries Organizations (ARBOs) ng DAR at mga residente ng Barangay Bagong Silangan, ay upang mapaunlad ang 7-ektaryang lupain at para maging sentro ng produksyon ng gulay sa buong Quezon City at sa kalakhang Maynila.
Ayon pa kay Brother John, tinatayang ang taunang produksyon ng gulay kada ektarya ay makakapag-ani ng may 765 metrikong toneladang gulay na katulad ng talong, sitao, pechay, mustasa, kalabasa, upo , okra, at ampalaya. “Ang proyektong ito ay malaking tulong sa mga residente ng Quezon City upang mabigyan sila ng alternatibong mapagkakakitaan at murang mapagkukunan ng gulay,” dagdag pa ng kalihim.
Para sa ikauunlad ng proyekto, ipinaliwanag ng DAR chief na makatatanggap ng suporta mula sa gobyerno ang mga magsasakang taga-lungsod para sa kanilang mga pangangailangan partikular pagdating sa pagsasaka tulad ng makinarya, mga gamit sa pagsasaka at mga butong pananim. Ang pagtuturo naman sa pagtatanim ay ibabahagi ng mga siyentistang-magsasaka at agrarian reform beneficiaries organization mula sa ibat-ibang lalawigan.
Ipinahayag din ni Brother John, na ang pangalawang paglulunsad ng urban vegetable farming ay dahil na rin sa matagumpay at nauna ng proyektong “Buhay sa Gulay” sa may 8,000 metro quadradong lupa na dating succer field na pinangangalagaan ng St. John Bosco Parish sa Tondo, Manila.
“Inilunsad natin ang unang “Buhay sa Gulay” noong Nobyembre 22 ng nakaraang taon at sa mahigit isang buwan lamang ay matagumpay silang nakapag-ani ng mga gulay tulad ng spinach, petchay, chinese kangkong, at mustasa na ang nagbenepisyo ay ang 17 barangay sa tondo nito lamang nakaraang Enero 3, 2021, ayon pa kay bro. John.
Dagdag pa ng kalihim, na pagkatapos ng paglulunsad sa Quezon City, ang susunod na lokasyon ng proyekto ay sa Caloocan City naman, na kung saan nakausap na umano nila si Mayor Malapitan at nakatakdang gawin ito bago matapos ang buwan.“Positibo tayo na magsisipagsunuran na rin ang iba pang siyudad sa Kamaynilaan sa proyektong ito dahil ito ang magandang solusyon upang matugunan ang suliranin sa produksyon at pagkakaroon ng sapat sa pagkain at ganun din ang pangangailangan sa kabuhayan ng mga Filipino sa kalunsuran,” ayon pa sa kalihim ng DAR .