San Juan City Mayor Francis Zamora, pinangunahan ang pagputol ng mga nakalaylay na kawad ng kuryente at isinasa-ayos ang bali-balikong kable, na ayon sa Alkade maaring pagmulan ng sunog at iba pang disgrasya.
Pinangunahan ni San Juan Mayor Francis Zamora ang pagsasaayos at pagputol ng mga nakalalay na kawad ng kuryente sa mga kalye na kanyang nasasakupan.
Ayon sa Alkalde, na sa bisa ng City Ordinance No. 65, Series of 2020 o “Anti-Dangling Wire Task Force Ordinance of San Juan” ay nagkaroon ng Memorandum of Agreement (MOA) ang Pamahalaang Lungsod ng San Juan at public utility companies ng Meralco, Globe, PLDT/Smart/Sun, Dito Telecommunity, Sky Cable at Converge para sa pagsasakatuparan ng nasabing proyekto.
Layunin nito na linisin ang dangling wires na napakadelikado sa mga dumaraang sasakyan at mga residente. Maari rin umano itong maging sanhi ng sunog at iba pang disgrasya sa lansangan.
Sinabi pa ni Zamora, na sunud-sunod ang gagawin nilang pagpuputol ng mga nakalaylay o kawing kawing na mga kable sa buong kalye ng San Juan para maging malinis, maging maganda ang tanawin at para maging ligtas ang mamamayan.