image

Pinanumpa ni Department of Agrarian Reform (DAR) Secretary Bro. John Castriciones ang pitumpu’t-limang (75) mga bagong promote at mga itinalagang empleyado ng ahensya sa Bicol Region nitong nakaraang Miyerkules, Agosto 18, 2021 na ginanap sa Daraga, Albay.

Hinimok ng pamunuan ng Department of Agrarian Reform (DAR) sa bicol region ang mga bagong promote at itinalagang mga empleyado na gumawa ng mga bagong pamamaraan para matulungan ang agrarian reform beneficiaries (ARBs) na mai-angat sa kahirapan sa pamamagitan ng agrarian reform program.

Binati ni Brother John Castriciones, na nanguna sa panunumpa, ang mga kawani habang sya ay umapela sa kanila na panatilihin ang integridad, dedikasyon, at katapatan sa pagseserbisyo publiko.

“Ngayong kayo ay naka-panumpa na, kayo ay itinuturing na mga civil servants. Kayong lahat ay katuwang na ng DAR sa pagpapataas ng antas ng pamumuhay ng mga magsasaka at sa pagkamit ng kaunlaran sa kanayunan,” ani Brother John.

Hinimok naman ni DAR-Bicol Regional Director Rodrigo Realubit ang mga kawani na tuparin ang atas ng kanilang mga gawain na may kakayahan, kahusayan at maaasahang lingkod bayan.

“Nais kong ipaalala sa inyo na kayo ay tinanggap bilang miyembro ng burukrasya ng kagawarang ito. Ang oportunidad na ito ay hindi para sa lahat kung hindi isang responsibilidad na inyong tinanggap. Ngayon, dapat ninyong gamitin ang mga responsibilidad ayon sa inyong kakayahan, at kasanayan upang mapabuti ang buhay ng ating mga agrarian reform beneficiaries,” ayon pa kay Realubit.

image