image

Tumanggap ng parangal, ang kauna-unahang Filipino ng prestihiyosong “ MAHATMA MK GANDHI  PEACE PRIZE FOR NON- VIOLENT pEACE” award,  mula sa Mahatma Gandhi Foundation.

Kinilala ang Filipinong tumaggap ng prestigious award na si Dr. Ronald L. Adamat, Commissioner ng Commission on Higher Education (CHED), isang Taduray, mula sa Upi, Maguindanao at dating Congressman na irenereprisinta ang mga Indigenous Person (Sector).

Una ng ginawaran ng pagkilala si Adamat sa isang virtual awarding ceremony noong nakaraang Marso 27,  at kahapon, June 18 ng umaga, sa isang seremonya sa Quezon City. Iginawad kay Adamat ang Plaque of Recognition, bilang pagkakakilala sa  kanyang mga nagawang proyekto sa sector ng edukasyon. Kinilala rin si Adamat sa pagsusulong ng kapayapaan, kabilang ang pagtatag ng Volunteer Individual for Peace  Incorporated(VIPI).

Kahilera na ngayon ni Adamat ang mga kilalang tao sa buong mundo, katulad nina:  Margaret Thatcher (Britain), Jimmy Carter (USA), Nelson Madela (South Africa),  Mikhail Gorbachev (USSR), s.d. Sharma (India), Sheikh Hasina (Bangladesh), Javier Perez de Cuellar, Kurt Waldheim, K.R. Narayanan, R Venkataraman, Boutros Boutros Ghali, Joseph Verner Reed, Dr. Young Seek Choue,Man hee Lee, at Alexandar Kim Kimen, na lahat ay naniniwalang ang kapayapaan sa buong mundo ay makakamtan ng walang ginagawang bayolente.

Ayon kay Adamat, sa kasalukuyan siya ay National Adviser for Education, Peace, at Good Governance  ng kilusang Bagong Lipunan (KBL). Isa rin si Adamat sa Miyembro ng Partido Federal of the Philippines (PFP). Isang educator, author, composer, actor, director at peace negotiator.

Ipinagmamalaki rin ni Adamat, na siya ay isang full scholar, sa unang batch ng COCOFED-TEAM. Scholarship Program ni dating Pangulong Ferdinand E. Marcos, na kung saan di umano, ang nagbenepisyo ay libo-libong mga estudyante na katulad niya na galing din sa sector ng mahihirap.

286745819_1474467333004383_1855747324768811709_n

image