image

Ang Hadjj ay isang pinaka importanteng okasyon sa mga Muslim, at ito ay gaganapin sa Saudi Arabia.  Umabot halos sa 400 na Muslim pilgrim ang naistranded sa NAIA Terminal nito nakaraang Linggo June 19, 2022, matapos harangin ang grupo na naka schedule na umalis para dumalo sa nasabing Hadjj dahil sa kakulangan ng mga papeles, kagaya ng passport at visa. Nagbayad ang bawat pilgrim ng USD 3,390 o katumbas sa halos P179, 000 para sa kanilang accomodation, transportation kasama na ang pagkain.

Matapos ulanin ng batikos dahil sa pagkaka-antala sa biyahe ng mga Hadjj Pilgrim, nagpaliwanag ang National Commission on Muslim Filipinos (NCMF) sa nangyaring insidente. Tiniyak nito na kahit hindi natuloy nitong nakaraang linggo ang pag-alis ng grupo, makakahabol pa rin sila sa Hadjj.

Ipinasa naman ng NCMF ang sisi sa kinuha nilang service provider para sa pagpoproseso ng visa na gamit ang portal ng i-hadjj. Hindi umano lumabas ang visa ng mga Pilgrim dahil sa pagbabago ng sistema ng pagbabayad sa accomodation, at hindi rin umano nasunod ang abiso na kailangang maihulog sa i-hadjj portal ang bayad ng mga pilgrim na dadalo ng pilgrimage o Hadjj sa Saudi Arabia.

Nilinaw din ng NCMF na ang mga pangyayare ay hindi pananabotahe o gawa gawa lamang. Ito umano ay isang isolated na kaso lamang, dahil sa bagong sistema o pagbabago ng patakaran. Siniguro naman ni OIC BPE Director, Malo Manonggiring na ipaprayoridad nila ang mga hindi nakaalis kahapon June 19, para umabot sa dadaluhan nilang pagtitipon (hadjj). Siniguro rin na hindi na muling mangyayare ang ganitong insidente.

Dumalo sa ginanap na emergency Press Conference sina: Malo Manonggiring, Acting Director ng Bureau of Pilgrimage and Endowment; Laurence Dilanggalen, EDP; Engr. Sayeed Ali Batuas, isa sa mga pilgrimage; at Dulcenda Estrella Acting Finance Officer – NCMF.

image

❤️