image

Pinadalhan ng liham ng Task Force Kasanag (TFK) International, sa pangunguna ng Founding Chairman/ President John J. Chiong  ang Department of Public Works and Highways (DPWH) upang ipaalam ang imbestigasyon sa proyektong Rockfall Protection System.

Matatandaang, noong nakaraang June 14, 2022, nagpatawag ng press conference ang grupo ng TFK sa isang restaurant sa Quezon City sa pangunguna ni Chiong, upang ipaalam sa gobyerno at taong bayan ang talamak at maanumalyang transaksyon sa ilang ahensiya ng pamahalaan.

Sa ipinadalang liham ng TFK sa Ombudsman noong nakaraang June 8, pinaiimbestigahan ni Chairman Chiong ang Tatlong Party-list na sina Rep. Eric Go Yap, ACT-CIS; Rep. Elizalde “Zaldy” Co, AKO BICOL Party-list; at Rep. Engr. Edwin Gardiola ng CWS. Ito ay dahil  sa ma-anomalyang proyektong na kinasasangkutan nila, at sa posibleng paglabag sa Anti Graft and Corrupt Practices Act.

Kinabukasan ng June 15, matapos magpatawag ng press conference ang grupo ni Chiong. Pinadalhan nito ng liham ang DPWH Bureau of Maintenance Director Ernesto Gregorio Jr, upang ipaalam ang imbestigasyon ng Rockfall Protection System.

Matapos ang isang linggong pagitan, nagbigay naman ng sulat ang TFK International sa DPWH Bureau of Research and Standards OIC Director Reynaldo Faustino tungkol sa JJ3 and Earthyard Materials na nagsusuply ng substandard  na materyales na ginagamit halos sa buong bansa.  Ito umano ay paglabag sa Department  Order 32 Series of 2019 at Department Order 22 Series of 2022. Na dapat ang DPWH ay mag issue ng Department Order 32 Series of 2019 at 22 Series of 2022 o gumamit ng dekalidad at quality patented materials.

Inaasahan ni Chiong, na makakarating kaagad kay President Bongbong Marcos  ang nasabing usapin.