May 15, 2023 – Lalong dumarami ang sumusuporta sa pagsusulong sa legalisasyong ng cannabis o marijuana sa bansa. Ito ang mariing tinuran ni Dr. Richard Nixon Gomez, BAUERTEK General Manager / Scientist Inventor, sa isinagawang BAUERTEK Media Health Forum na regular na ginaganap sa isang restaurant sa lungsod Quezon.
Sa ginanap na Media Health Forum, naging panauhin ang kaunaunahang naging empleyado ng City of Sacramento Office of Cannabis Management (OCM) taong January 2017 na si Zarah Uytingban Cruz. Sa kanyang Work History, nakasaad na “She was a Program Specialist for OCM and specializes in policy development and licensing regulations from 2017 until the present. She has over 20 years of State (California) and local government experience under her belt in the areas of inter-government relations and public information. She earned her Masters Degree in Public Administration at the California State University, and Bachelors Degree in Journalism in University of Sto Tomas.”
Ayon kay Dr. Gomez, na halos 27 taon nang legal ang medical cannabis sa buong California at halos napakarami ng may matinding sakit ang pinagaling nito, subalit, bakit dito sa Pilipinas ay patuloy pa ring pinagtatalunan ang pagsasa-legal ng medical cannabis para gawing health medicine.
Matatandaang napakaraming kilalang personalidad na ang gumamit ng medical cannabis mula sa mga sikat na bansa at mga kilalang personalidad katulad nila: Dating Presidente ng America na si Barack Obama, Arnold Schwarzenegger, Tedros Gnebreyesus ng World Health Organization, at si Dalai Lama. Sa Pilipinas naman ang mga kilalang tao na sina: Former President Rodrigo Duterte, former President Gloria Macapagal-Arroyo at marami pang iba.
Muling nabanggit ni Dr. Gomez ang sinasabi sa proposed House Bill (HB) 241 (2022) at proposed Senate Bill (SB) 230 (2022) na ang medical cannabis ay maaari lamang gawing bilang capule at langis. Maaari lamang ito ireseta ng isang doctor na may S2 licence. Ito ay maari lamang ireseta sa isang pasyente na may karamdaman na nangangailangan nito. Ang doctor ay kailangang maglagay sa data base ng PDEA sa lahat ng kanyang reseta at ang lahat ng pasyente ay may sariling QR code at nasa database din ng PDEA. At ang cannabis medicine ay matatagpuan lamang sa tertiary government hospitals katulad ng Philippine General Hospital at East Avenue Medical Center. Hindi ito matatagpuan sa mga botika. Kailangang ang taniman ng cannabis ay sa government property lamang at wala ng iba. Hindi pahihintulutan ang sinuman na magtanim ng cannabis. Bawal ang paghawak, pag-alaga at pagamit nito. Tanging ang pasyente na nakalista lamang sa PDEA database ang maaaring makabili ng cannabis medicine na ginawang capsule o langis.
Ayon naman kay Zarah Cruz, naging maganda ang epekto ng medical cannabis matapos maging legal sa Sacramento California. Ang cannabis umano sa California ay maaring gamitin bilang personal na gamit hindi lang bilang health medicine. Nabibili rin saan mga botika sa California basta’t may licence ka para magbenta ng medical cannabis. Dagdag pa ni Cruz, na sa halos mahigit 20 taon niyang paninilbihan sa California, nalaman niya na napakaraming uri na umano ng sakit ang malunasan ng medical cannabis, katulad ng Autism, Cancer Chronic pancreatitis, HIV, epelepsy, seisure disorder, Alzheimer’s desease at marami pang iba karamdaman.