Naging maliwanag na ang lugar sa isang bulubunduking Barangay sa Tanay Rizal, matapos na lagyan ng pailaw ng Meralco ang Health Center ng Barangay Laiban.
Nagkaroon ng katuparan ang pailaw sa Barangay Laiban ng Taytay, matapos kabitan ng Meralco’s solar power subsidiary Spectrum, na mula sa donasyon ng mga empleyado ng Customer Retail Services Group ng Meralco, sa pamamagitan ng corporate social development arm, One Meralco Foundation (OMF),
Ang proyekto ay kinabibilangan ng paglalagay ng 3-kilowatt peak (kWp) solar photovoltaic (PV) system sa Barangay Laiban health center, na aabot sa mahigit 3,000 residente ang makikinabang sa programa kabilang na ang mga tribong Dumagat.
Sa pagtatayo ng bagong solar power equipment, mas mapapabuti na ang serbisyong medikal sa komunidad. Magagamit na ng mga health worker para sa kanilang mga pasyente ang nebulizers na may mga respiratory ailments, at magagamit na rin ang fetal dopplers para sa pre-natal care.
Ventilated na rin ang health center at mas magiging kumportable na ang mga pasyente maging ang mga health worker.
Kasabay nito, nagsagawa rin ng medical mission para sa mga residente ng Barangay Laiban ang grupo, sa tulong ng mga doktor mula sa Department of Health, Tanay Municipal Health Office, at Marikina Valley Medical Center.
Ang medical mission ay inisponsoran ng Meralco Employees Fund for Charity Inc., Pascual Laboratories Inc., Lloyd Laboratories Inc., at Megasoft Hygienic Products, Inc.. Nag donate rin ang Meralco employees ng mga gamot, at medical equipment tulad ng nebulizers, fetal dopplers, at blood pressure monitors.
Namahagi rin ang grupo ng mga school kits na aabot sa isang daang (100) piraso, para sa mga estudyante ng Laiban Integrated School sa komunidad.