image

Sa ginanap na Media Health Forum, sinabi ni BAUERTEK Dr Richard Nixon Gomez scientist/inventor, at general manager ng BAUERTEK Corp.. patungkol sa pinaguusapan na pagsusulong para magamit na ang medical cannabis sa bansa, na “Dapat hindi nagiging parang batang paslit na nagiiringan, at dapat lahat ng ahensiya ay nagkakaunawaan. Intellectual na diskusyon dapat ang pinaiiral. Ang pinaguusapan dapat ay para sa ikabubuti ng bayan, at hindi ito para palalain ang bisyo sa bansa, o magkagulo sa Pilipinas, o para sa pangkasarinlan, kundi para sa kapakinabangan ng bawat mamamayan.”

Naging panauhin sa ginanap na forum sina Atty. Henrie Enaje Chairman, MedCann Party, Founder, CannaLegal PH, Dr. Albert Remus Rosana S&T Fellow II (DOST-PCHRD), Dr. Gem Mutia, Founder, Philippine  Society of Cannabinoid Medicine.

Ayon kay Atty Enaje,  may anim (6) na proposed bill na nakahain sa Congreso hinggil sa pagsasa batas ng medical cannabis sa lower house, bukod pa doon sa proposal ni Robinhood Padilla sa Senado. Ito umano ay patunay lamang na tumataas ang bilang ng mga sumusuporta sa legalisasyon ng medical cannabis.

Meron pa di umanong mga indibidwal  na Congresman na nag fi-file ng sarili nilang bersyon na bill. Inaasahan na pagkatapos ng SONA ni Pangulong Bongbong Marcos magtutuloy-tuloy na ulit ang committee hearing, kagaya ng criminalization bill ni Cong. Bebot Alvarez na nainbitahan na rin  sa Media Health forum kamakailan. Nakausap na umano nila ang dalawang legislator na kung saan fully committed umano ang mga ito na pagusapan muli at isalang sa committee level ang nasabing bill hanggang sa maipasa na sa kasalukuyang Pamahalaan.

Ayon naman kay Dr. Albert ng DOST- PCHRD, hinggil sa maling akala sa paggamit ng cannabis, mula sa sciences, marami di umanong nakitang molecules sa cannabis. Sa mga mauunlad na bansa, tinitingnan nila ang bawat 600-800 na molecules na dapat aralin.

Sinabi ni Dr. Albert na may dalawang molecules na ang nadidinig na natin: ang tetrahydro cannabinol at cannabidi-oil na siyang focus sa pananaliksik ngayon. Meron na itong ebedensiya na kayang i-inactivate yung mga pathways na maaring maging sanhi ng cancer, epelepsy, obesity, at adiksyon. Kung magkakaroon ng research na magagawa sa lokal na cannabis, sa kanya opinion, ay magkakaroon na umano ng isang hakbang para suportahan at maisulong ang paggamit ng medical cannabis sa ilalim ng medical control.

Ayon naman kay Dr. Gem Mutia, Founder, Philippine  Society of Cannabinoid Medicine, marami ng paramamaraan ngayon para sa pagpapatubo ng mga halamang gamot  gamit ang mga bagong teknolohiya. Kailangan malaman ng taong bayan at lahat ng tao na ang pinagdedebatihan dito sa Pilipinas ay kung gamot ba talaga ang marijuana o hindi.  Ang pinaguusapan dito ay kung ipagpapatuloy pa ba ang importasyon ng medical cannabis o magsisimula na tayo  sa lokal na produksyon.

image

image

 image