image

Kamuning Bakery Cafe, June 29, 2023 – Sa ginananap na Pandesal Forum, nagsanib pwersa ang ilang grupo ng maliliit na mangingisda, environmentalist advocates, at ilang pang grupo mula sa ibat-ibang panig ng Luzon na kinabibilangan ng PANGISDA Pilipinas , Nuclear/Coal-Coal Free Bataan Movement (NFBM) YoungBEAN , Step Sierra Madre, Nagsama Lamon Bay Fisherfolks Federation at KILUSAN.

Sa Press Confrence, pinirmahan ng bawat samahan ang MANIFESTO ng pagtutol sa planong pagtatapon ng Radioactive Waterwaste sa Pacific Ocean na mula sa Dai ichi Nuclear Plant sa Fukushima, Japan.

Ayon kay Derek Cabe, convenor of the NFBM (Nuclear-Free Bataan Movement), an anti-nuclear, and an anti-coal movement of Bataan and the entire Philippines, “We are opposed to the plan of dumping of nuclear waste into Pacific Ocean that would contaminate the water of Pacific Ocean.

“The fishermen are facing the nightmare of contaminated water. We urge the Japanese government to be pro-environment and pro-people. We are calling on the Japanese government to act in deference to the people living around the Pacific Ocean. The risk is not worth it. We do not want to go nuclear. Do not poison our oceans! Stop dumping radioactive waste to Pacific Ocean,” idiniin ng NFBM stressed.

Sinabi naman Joey Sarte, ng Nagsama sa Lamon Bay, Quezon province, na nasa tabi mismo ng  Pacific Ocean, “Lasong tubig ng Japan wag itapon sa karagatan. Ang pagtapon ng Nuclear Waste sa Pacific Ocean ang makakapagbagsak sa pangkabuhayan ng mga mangingisda.”

Sa panig naman ni  Bryan Valenzuela, spokesperson ng Nagsama, Lamon Bay sa Quezon province na “Tutol sila sa planong pagtatapon ng wastewater ng Fukushima, Japan sa Pacific Ocean. Kumibo naman ang pamahalaan ng Pilipinas. Galaw-galaw po para sa aming mga mangingisda.”

“Itigil ang planong pagtatapon ng kontaminadong tubig sa Pacific Ocean. Wag palalain ang polusyon at lason sa karagatan!” dagdag naman ni Pablo Rosales, national chairperson of Pangisda Pilipinas, representing the fishermen of the Philippines. “Ang mangingisda ng Pilipinas ay isang mahalagang sektor ng lipunan pero mukhang napapabayaan. Kaya ang panawagan namin ay rehabilitasyon ng ating karagatan, rehabilitasyon para sa pangisda ng bansa, rehabilitasyon para sa kabuhayan. Tumututol kami sa pagkait ng karapatan ng mangingisda sa ating kakagatan.”

Sa Kanilang manifesto, ang mga maliliit na mangingisda kasama ang mga komunidad sa iba’t-ibang panig ng Pilipinas ay nagpahayag ng kanilang pagtutol at pagprotesta sa planong pagtatapon ng radioactive wastewater mula sa nawasak na Dai-ichi nuclear power plant sa Fukushima, Japan. Kinukondena nila ang plano ng TEPCO na sinusuportahan ng gobyernong Hapon na hindi lamang naglalagay sa panganib sa mga mamamayan at karagatan ng Japan kundi maging ng halos 2 milyong mamamayan na nakapalibot at nakaasa ang kabuhayan at pinagkukunan ng pagkain sa yamang-dagat ng Pacific Ocean.

Ang Dagat Pasipiko ay kumakatawan sa halos 30 porsyento ng katubigang nakabalot sa mundo. Ito ang pinakamalawak at malalim na karagatan sa buong mundo. Tinatayang 70 porsyento ng huling isda sa buong mundo ay galing sa Pacific Ocean mula sa malawak at mayamang bahura sa ilalim nito. Matatagpuan din dito ang 17 bansa kabilang na ang Pilipinas sa palibot nito, at nakikinabang sa yamang-dagat ng karagatan.

Kahapon June 30, 2023, nag marcha ang nasabing  grupo patungong Mendiola, eksaktong ika – 8 :00 ng umaga nasa Mendiola na ang mga ito para ipahayag ang kanilang pagtutol sa pamahalaang Japan at himukin ang pamahalaang Pilipinas na kumilos naman. Wala pang 30-minuto tinapos na ng grupo ang pagpapahayag ng kanilang saloobin sa pamahalaan.

Mula sa Mendiola, tumungo ang grupo sa Japanese Embassy na matatagpuan sa Roxas Boulevard, para iprotesta ang planong pagtatapon ng nuclear wastewater sa Pacific Ocean. Sa harapan ng Embahada ng Japan, muling nakiusap ang grupo at nagpahayag ng kanilang saloobin, na sana huwag na nilang ituloy ang pagtatapon ng Radioactive Waterwaste sa Pacific Ocean, na sana muling pag-aralan ang kanilang plano, na baka meron pang ibang option para maiwasan ang pagkuntamina ng karagatan sa Pacific Ocean na siyang pinagkukunan ng pagkain, kabuhayan at livelihood.

Matapos ang pagpapahayag ng saloobin ng grupo, lumapit ang grupo sa may gate ng Embahada ng Japan para ipa recieve ang MANIFESTO ng pagtutol sa planong pagtatapon ng Radioactive Waterwaste sa Pacific Ocean na mula sa Dai ichi Nuclear Plant sa Fukushima, Japan. Subalit walang nag receive nito, na ayon sa security guard, hindi sila authorize na pumirma at walang taong pupwedeng mag receive nito sa loob. Kailangan daw idaan sa tamang proseso, sa paraan ng pag  email.

image

image

image

image

image 

image

 image