image

Ang guyabano ay isa sa itinuturing na “wonder fruit” o “miracle fruit” dahil sa medicinal properties na taglay nito. Mayaman ito sa vitamin C, phosphorus at calcium (kal-syum), dahon pa lamang nito kaya ng gamutin ang ilang uri ng sakit, kagaya na lamang ng Diabetes, sakit ng tiyan, at iba pang uri ng karamdaman.

Dahil dito, naglunsad ang Quezon Agricultural Research and Experiment Station o QA-RES (Ka-res) ng Department of Agriculture – Regional Field Office CALABARZON at Bureau of Agricultural Research o BAR ng inisyatiba upang alamin ang iba pang benepisyo ng guyabano at ang mga posibleng paraan upang pagkakitaan ito, particular ng mga magsasaka sa Dolores at San Antonio, Quezon.

Kasabay nito ang pagkakaroon ng mga training, seminar at aktwal na karanasan sa Structured Learning Exercises o SLE.

Nagtayo ang QA-RES (ka-res) ng nursery para sa produksyon ng mga punla ng guyabano. Nasa 5,000 (limang libong) punla na ang naitanim sa dalawang project sites na may kabuuang 23.5 (dalawampu’t tatlo at kalahating) hektarya.

Ang mga miyembro ng San Antonio FBS at Rural Improvement Club of Dolores, Quezon ay sinanay sa tinatawag na POT o package of technology na naaayon sa tamang pagtatanim at pag-aani ng mga punla.

Sa kasalukuyan, nakagawa na rin ng juice, wine, nectar at sabon mula sa guyabano. Nakipag-ugnayan din ang QA-RES sa Quezon Herbal Program upang maging supplier ng dahon ng guyabano na siyang ginagawang tsaa.

Dahil sa programang ito, nakapagtayo na ng isang Livelihood Center ang San Antonio na kung saang makikita ang mga produkto na mula sa guyabano.

Para sa karagdagang impormasyon ukol sa guyabano, maaaring makipag-ugnayan kay Mister Dennis Bihis sa numerong 0-4-2-5-8-5-7-1- 0-1 o sa kanyang email na da.qaes@gmail.com, At para naman sa ibang mga research at technology, i-like lamang ang opisyal na Face-book page ng D-A BAR sa fb.com/DABAROfficial.

image