image

Sinabi kamakailan ni Philippine Institute of Traditional and Alternative Health Care (PITACH) Director General Dr. Annabelle Pabiona-De Guzman, na pabor sila sa pagsasa-legal ng medical marijuana basta’t may tamang regulasyon, at kailangan ng tamang gabay at mabusising pananaliksik para sa kaligtasan at pagiging epektibo nito sa mga may karamdaman. Hindi rin dapat umano na magamit ito ng kahit sino, dahil magkaiba naman ang recreational at paggamit nito bilang medicinal na gamot. Binigyan diin pa ng director na dapat mapag-aralan pa ng husto, ang masama at magandang epekto sa mga gagamit na pasyente. Kailangan din umano na maregulate ito sa ilalim ng S2 licences  o  espesyal na lisensiya para sa pag issue ng medical cannabis.

Sa ginanap na Media Health Forum kahapon July 10, 2023, sinabi ni BAUERTEK President, scientist/inventor Dr. Richard Nixon Gomez, na dumarami na sa mga mambabatas ang sumusuporta ngayon na gamitin na ang marijuana bilang medicinal na gamot, dahil ito umano ang makalulunas sa napakaraming sakit sa bansa, kagaya ng epilepsy at marami pang sakit na kayang pagalingin dahil sa naiibang compound na taglay ng marijuana.

Dagdag pa ni Dr. Gomez, na dati- rati umano napakaraming kumukontra sa pagsasabatas ng marijuana para gawing medical cannabis, subalit sa ngayon ay marami ng sumusoporta, kung kaya sinabi nito na sana ipagpatuloy lang ang information dissemination para makarating hanggang sa dulo ng Pilipinas ang kanilang adbokasiya.

Sinabi pa ni Gomez na umaabot sa 500 compounds ang nasa loob ng halamang gamot na marijuana na puewedeng gawing gamot o ‘full spectrum’. Kung aalisin ang THC o ang nakaka-high, ito ay ‘broad spectrum’. Kung walang THC, di na kailangan ang prescription dahil hindi na siya nakaka-high, at pwede ng gawin bilang food supplement , dagdag pa ni Dr. Gomez.

Sa pagpapatuloy ng ginanap na forum, natanong ng isang reporter si Dr. Gomez, na bilang Presidente, scientist/inventor ng  BAUERTEK Corp., kung nakapag produce na ba sila ng medical cannabis sa kanilang laboratoryo? isang malaking “NO” ang sagot ni Dr. Gomez. “Hangga’t hindi pa umano naaprubahan ang pagsasa-batas ng bill para sa medical cannabis hindi umano sila mag poproduce  ng medical cannabis sa kanilang laboratoryo,” ayon kay Dr, Gomez.

Ayon naman kay Dr. Gem Marq Mutia, Presidente ng Philippine Society of Cannabinoid Medicine, na sa ilalim ng Republic Act 9165, o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002”, ang pinayagan ng Food and Drug Administration ay ang importasyon lang ng Purified CBD (cannabinoid) for special permit for compassionate use at hindi ang local production nito.

Dagdag pa ni Mutia, na mula 2021 meron ng 64 na bansa na ang mayroong batas na maari ng gumamit ng medical cannabis, at 34 ang pinapayagan dito ang mga non-pharmaceutical grade medical cannabis.  Hindi po kriminal ang medical cannabis. Pero, pag ginamit for non-medical purposes, yon ang masama. Na sa ilalim ng Republic Act 9165, o ‘Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002’, pinapayagan na ang paggamit ng medical cannabis. Dagdag pa nito, na dapat  idiscriminalize na ang paggamit ng marijuana sa bansa.

Nagbigay halimbawa si Dr. Gomez. “Epilepsy is combulsion or rapid firing of neurons wherein CBD is anti-combulsant is used not only for epilepsy treatment. It can only be used as anti-pain as combulsant.” Sinabi pa ni Gomez, ang batas ay ginagawa para gawing maayos at maginhawa ang buhay ng mga mamamayan at hindi para pahirapan sila. Kaya naman nating magtanim, mag-ani, mag-extract at gawing medicinal na gamot ang marijuana.

image

image

image

image

image