Ayon kay Bauertek President Richard Nixon Gomez, kamakailan nagkaroon ng joint committee hearing ang Kongreso na kung saan pinag-usapan ang tungkol sa cannabis. Lahat umano ng dumalo sa nasabing hearing ay walang tumutol sa pagsasabatas ng medical cannabis bagkus lahat ay suman-ayon na maisabatas na ito.
Halos lahat umano ng dumalo sa nasabing hearing ay pabor na magkaroon talaga ng locally manufacture medical cannabis sa bansa, na kaya naman talagang gawin ng Pilipinas, ayon pa kay Dr. Gomez. One out of twenty lang ang naniniwala na mas mura ang imported cannabis.
Ang pinupunto umano ng FDA sa hearing na hindi na kailangang isabatas pa ang legalisasyon ng cannabis, dahil maari naman daw gumamit ng Compassionate Special Permit (CSP). Ipinagmalaki pa umano ng FDA na may 20.000 silang applikante ng CSP at hindi na kailangang i-legalize pa ang cannabis, ayon sa sinasabi nila, dagdag pa ni Gomez.
Sa pagtatapos umano ng nasabing hearing, sa dami ng mga requirement sa pag-iimport ng medical cannabis, , napag-pasyahan ng lahat na dapat isa-legal na ang cannabis sa bansa.
Ayon pa kay Dr. Gomez, sa darating na linggo umano magkakaroon ng aksyon sa senado. Magkakaroon ng technical working group na kung saan kasama umano siya sa technical working group sa senate hearing hinggil sa cannabis.
Ayon naman kay Prof. Rodolfo John Ortiz Teope, timely na marami ng mga kongresista ang naniniwala sa medical cannabis at dapat ng isabatas na ito. Internationally tanggap na umano ang medical cannabis sa halos 60 nation worldwide at padagdag pa ng padagdag. Aniya, ang medical cannabis ay para sa medical na gamit lang hindi para sa recreation o para maging bisyo dahil ang tanging gagamit lang nito ay ang lehitimong may sakit lamang.
Naging panauhin sa isinagawang Media Health Forum si Prof. John Ortiz Teope PhD, EdD, DES, DM, National Secretary-General ng Timpuyog Pilipinas. Nagsilbing host at moderator naman sina Broadcaster Edwin Eusebio at Rolly Lakay Gonzalo sa nasabing forum.