Si Chinggay Bilaos, na tumatakbong barangay chairman sa Barangay Bagong Pagasa, Quezon City, ay nag detalye ng mga nais niyang manyari sa kanilang barangay, sakaling siya ay palarin na manalo sa darating na eleksyon.
Ayon kay Chinggay Bilaos, bilang kasalukuyang barangay kagawad ng limang taon sa Barangay Bagong Pagasa, Quezon City, nais niyang ibalik ang mga dating proyekto ng kanyang ama na si dating barangay chairman Ferry Bilaos,
Unang nais na ipatupad ni Chinggay ang pagkolekta ng basura araw-araw, paglalagay ng ilaw sa mga poste, padagdag ng ambulansiya at fire trucks, pagkakaroon ng public library, at ang paglalagay ng sariling park na pasyalan ng mga bata. Sa tagal ng panahon ngayon lamang umano manyayari sakaling maluklok siya sa posisyon.
Isa sa mga “Baby Project” na nais mangyari ni Chinggay. ay ang pagpapatayo ng Mental Health Facility Center (MHFC), para sa kanyang barangay na nagkakaroon ng anxiety at depresyon.
Dagdag pa nito, na sa halos limang taon niya bilang kagawad, lahat ng namamatayan sa barangay napupuntahan niya para makidalamhati. Isa umano ito sa utos ng kanyang mga magulang partikular ang kanyang ama na dating kapitan ng barangay. Kailangang samahan sila, hindi lang sa saya, dapat sa hirap rin, dahil sila ang nagluklok sayo sa posisyon, ayon pa kay Chinggay.
Nais na ibalik ni Chinggay ang public library. Matapos ang termino ng kanyang ama ay nawala na ito na parang bula. Gusto niyang ibalik ito para magkaroon ang mga bata sa barangay ng lugar para makapag-aral dahil ito umano ang magiging sagot sa maganda nilang kinabukasan at katuparan ng pangarap.
Ang pagpapatayo umano ng park ang isa sa solusyon para magkaroon ng playground at magandang pasyalan ang mga bata sa barangay, imbis na nakatutok sa mga gadgets , celpon, tablet, laptop at computer. Ang mga bata umano sa ngayon ay naka focus sa paglalaro ng online games. Ayon kay Chinggay, dapat Physical pa rin ang laro ng mga bata para nakakapag ehersisyo, at malayo sa ipinagbabawal na droga. Mangyayari lamang ito kung inyong ihahalal si Chinggay Bilaos sa pagka kapitana.
Sa peace and order dapat ay nakatutok ang lahat ng empleyado ng Bagangay para masiguro ang kaligtasan ng mamamayan ng Barangay Bagong Pagasa partikular na ang kriminalidad at iba pang insidente ng karahasan sa barangay. Maglalagay sila ng CCTV at lalagyan ng ilaw ang mga poste sa kalsada. Magpapatupad din umano siya ng curfew Hour sa barangay, hindi para sa paghihigpit kundi para sa kapakanan at kaligtasan ng buong barangay, diin pa ni Bilaos.
Ang senior citizen na napabayaan ng kasalukuyang administrasyon ay pagsususmikapan niyang ibalik para muling sumigla ang ating mga mga lolo at lola. “Ibabalik ang regular na pulong at consultative meeting sa ating mga oldies”(Fred Salcedo)