image

SAN JUAN CITY – Pormal nang binuksan ang unang Greenhills Young Artists Festival 2025, isang dalawang linggong pagdiriwang ng talento ng mga batang artista sa Greenhills, San Juan City.

Dumalo sa pagbubukas si San Juan Vice Mayor Atty. Angelo “AAA” Agcaoili bilang panauhing pandangal. Kabilang sa mga tampok sa exhibit ang Thombayan Art Space, FW & Friends, Full Circle, at iba pa.

Kasama rin sa mga dumalo sina Renato Habulan (batikang curator at visual artist), Mayumi Habulan (anak ni Renato), Orland Espinosa mula Iloilo, Thomas Cagiwat, Christopher George Basileno, at GH Mall CEO Zony Zuniga. Naroon din ang mga kinatawan ng Lunduyan, Onang Putik Art Space, Bridges, Balayon, at Pinamalayan, pati na rin si Mayumi ng Agos Studio.

Ayon kay GH Mall AVP Monique Castaneda, ang festival na ito ay isang pagdiriwang ng sining at talento ng kabataan.

“Para sa mga batang artista, ito ang inyong sandali. Magdiwang tayo at tuklasin ang ating talento,” dagdag niya.

Nagbigay rin ng mensahe si Agcaoili sa ngalan ni Mayor Francis Zamora:

“Malugod namin kayong tinatanggap sa GH Mall. Ang San Juan ay nasa puso ng Metro Manila, at patuloy naming susuportahan ang inyong talento.”

Dagdag pa niya, magsusulong ang City Council ng San Juan ng mga ordinansang magbibigay suporta sa mga batang artista ng lungsod.

Pinasalamatan naman ni Renato Habulan ang lahat ng lumahok, kabilang sina Margs Chavez ng Full Circle mula Iloilo at Caira Coigongco.

Ang exhibit ay matutunghayan mula Pebrero 12 hanggang Pebrero 26, 2025.

Bilang hudyat ng opisyal na pagbubukas, sina Vice Mayor Atty. Angelo “AAA” Agcaoili, David Zuniga, Castaneda, Habulan, Mayumi Habulan, Marites Ortigas, at Cathy Duenas ang unang nagbigay ng “brush stroke” sa community mural, kasabay ng iba pang kalahok na artists.

Sa loob ng dalawang linggong festival, magkakaroon din ng mga workshop para sa mga batang artista.

image

image

image

image

image