image

QUEZON CITY — Ibinunyag ng mga civil society organizations (CSOs) kabilang ang Alyansa ng Nagkakaisang Mamamayan (ANIM), Church Leaders Council for National Transformation (CLCNT), at iba pang grupo, ang walong (8) seryosong isyu kaugnay ng May 12 National and Local Elections (NLE) sa isang press conference noong Mayo 21 sa Max’s Restaurant, Quezon Memorial Circle.

Ayon sa kanilang ulat, may malalaking paglabag sa proseso ng pagbibilang at transmisyon ng boto na nagsapanganib sa integridad ng halalan.

Mga Pangunahing Isyu:

Ilegal na Data Server – Imbes na direktang ipadala sa PPCRV, Namfrel, at media, dumaan muna ang Election Returns (ERs) sa hindi otorisadong Data Center 3, na wala sa listahan ng mga awtorisadong server sa Comelec Resolution 11098.

Kawalan ng Transparency – Sa loob ng dalawang oras matapos ang botohan, tanging Comelec lamang ang may access sa ERs. Walang access ang PPCRV, Namfrel, at media sa orihinal na datos.

5 Milyong Botong Pagkakaiba – Nakita ng media gaya ng Rappler ang malaking discrepancy sa bilang ng boto. Comelec lamang ang nag-ayos ng datos nang walang partisipasyon ng ibang grupo.

Pre-shaded Ballots at Mali-maling Resibo – Libo-libong botante ang nag-ulat ng balotang may nakashade na pangalan at mga resibong hindi tumutugma sa kanilang aktwal na ibinoto.

17 Milyong Overvotes – Umabot sa 29.89% ang overvotes ayon sa Namfrel — masyadong mataas kumpara sa 1.5%–2.5% sa mga nakaraang halalan.

Palihim na Software Update – Gumamit ang Comelec ng bagong bersyon ng programang pangbilang (v3.5.0) nang walang paabiso at walang pagsusuri ng independent source code reviewers, na labag sa Section 12 ng R.A. 9369.

Nanawagan ang mga CSO ng masusing imbestigasyon, pananagutan, at mas mataas na antas ng transparency mula sa Comelec upang mapanatili ang tiwala ng publiko sa halalan.

Dumalo rin sa press conference ang mga kinatawan mula sa PPCRV, Namfrel, Kontra Daya, at iba pang simbahan at organisasyon ng mamamayan.

image

image