Binuksan ng Marikina City nitong Nobyembre 17 ang Christmas Shoe Bazaar, tampok ang de-kalidad at abot-kayang sapatos, bag, at leather goods para sa Kapaskuhan.
Ayon kay Mayor Maan Teodoro, tradisyon na ang bazaar na sinimulan ni Rep. Marcy Teodoro, at libre pa rin ang paglahok upang matulungan ang mga lokal na manggagawa at manufacturers.
Sinabi ng alkalde na malaking tulong ang bazaar sa industriya ng sapatos at leather ng Marikina, lalo na’t Pasko ang pinakaimportanteng panahon ng benta. Binuksan din ito bago ang akinse upang mas maaga pang kumita ang mga tindero.
Umaasa si Teodoro na malalampasan ng mga kalahok ang sales noong nakaraang taon.
Ngayong 2025, 39 manufacturers ang kasali—mula sa matagal nang gumagawa ng sapatos hanggang sa mga bagong brand.
Matatagpuan ang bazaar sa Marikina Freedom Park at bukas hanggang 4 Enero 2026, mula 8:30 a.m.–7 p.m. (Lunes–Huwebes) at hanggang 8 p.m. (Biyernes–Linggo).
Facebook Comments



