21 PDL SA MANDALUYONG CITY JAIL, NAGPAKASAL SA LIKOD NG REHAS

75fdb8c5-4b31-49b9-ac14-969f1a11b06f.jfif

MANDALUYONG CITY — Pormal nang ikinasal ang 21 pares ng Persons Deprived of Liberty (PDL) mula sa Mandaluyong City Jail ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa isang mass wedding na pinangunahan ni Mayor Carmelita “Menchie” A. Abalos nitong Martes, Nobyembre 3, sa City Hall Compound.

Kasama ng alkalde sa seremonya sina Vice Mayor Anthony Suva at mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod.

Ayon kay Abalos, siya mismo ang nag-utos kay City Jail Warden Chief Inspector Jose Marie Sevillano na ituloy ang proyekto upang mabigyan ng pagkakataong magpakasal ang mga PDL at kanilang mga kapareha, na matagal nang naghihintay na gawing pormal ang kanilang pagsasama.

2a4f014d-6be1-49d9-a3f5-145dc775db37.jfif

Hinimok ng alkalde ang mga bagong kasal na pahalagahan ang kanilang marriage vows, asawa at pamilya, na aniya’y biyaya ng Diyos. Binigyang-diin niyang hindi dapat mawala ang pagmamahal at pagpapahalaga sa isa’t isa kahit may isang kaparehang nakakulong.

Personal na pinangasiwaan ni Abalos ang palitan ng mga panata at singsing ng 21 pares at inanunsiyo rin ang pagbibigay sa kanila ng conjugal privileges sa araw ng kanilang kasal.

Pinasalamatan naman ni Sevillano ang alkalde sa programang “From Womb to Tomb,” na nagbibigay-dangal at pagkilala sa mga PDL. Ayon sa kanya, naiiba ang Mandaluyong City Jail dahil sa buong suporta ng alkalde sa kanilang mga programa.

a7d61259-035a-4a3d-b07a-535d363dc40c.jfif

Ipinaliwanag din ng Civil Registry Department ang mga hakbang para maayos ang birth certificates at civil registry records ng mga anak ng bagong kasal.

Ito na ang ikaapat na mass wedding sa Mandaluyong City Jail. Nagsilbing kinatawan ng 21 pares sina Renato at Elsie Penaribo, na 31 taon nang nagsasama at may tatlong anak. Ang iba pang mag-asawa ay nagsama na nang mula dalawa hanggang 20 taon bago pormal na nagpakasal.

ed11122d-0209-4e68-9dcd-d3e5f5696a89.jfif

Sa kanyang mensahe, hinimok ni Vice Mayor Suva ang mga bagong kasal na ilagay ang Diyos sa sentro ng kanilang pagmamahalan. Tiniyak din niya ang buong suporta ng alkalde at Sangguniang Panlungsod at nangakong bibisita sa kanila paminsan-minsan.

Bilang regalo, tatanggap ang bawat mag-asawa ng dalawang wedding pictures—isang naka-frame para sa PDL at isang walang frame para sa kanilang asawa—gayundin ng pakimkim mula sa alkalde, bise alkalde at mga konsehal.

Nag-abot din ang mga bagong kasal ng mga token na likha ng isa sa mga PDL bilang pasasalamat kina Abalos at Suva.

73f27919-d83c-4bb9-ad74-a7089e4c87c2.jfif

9c51bbc2-f3b3-4e9d-b475-2a97b3645376.jfif

Facebook Comments