TESDA, DEPED AT CHED, PINAG-ISA ANG EDUKASYON AT PAGSASANAY PARA SA MAS HANDANG MANGGAGAWA

108ee279-9804-43ac-85dc-4bedb441f6c1.jfif

MANILA — Pinag-ibayo ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), Department of Education (DepEd) at Commission on Higher Education (CHED) ang kanilang pagtutulungan upang pag-isahin ang mga programa sa edukasyon, skills training at paghahanda sa trabaho sa Metro Manila.

Ito ang layunin ng isinagawang 1st ONE NCR Education Summit 2026 noong Nobyembre 5 sa Manila Hotel–Fiesta Pavilion, na dinaluhan ng mga kinatawan ng pamahalaan, paaralan, industriya at mga development partner.

5e1ddf9c-6b8a-423e-ac9f-3b82d39ebef6 (1).jfif7cfe7038-13f0-4f25-abdf-73e5145d39db.jfif

Pinangunahan ng TESDA-NCR, kasama ang DepEd-NCR at CHED-NCR, ang pagtitipon na may temang “ONE NCR EDUCATION AGENDA: Strengthening DepEd–CHED–TESDA Convergence for Seamless Learning, Skills Development, and Lifelong Learning.”

Layunin ng summit na tukuyin ang mga pangunahing hamon sa edukasyon at paghahanda sa trabaho, gayundin ang bumuo ng magkakaugnay na solusyon upang matiyak ang maayos na paglipat ng mga mag-aaral mula basic education patungo sa kolehiyo at technical-vocational education and training o TVET.

Kabilang sa mga pangunahing tinalakay ang pagtutugma ng kurikulum sa pangangailangan ng industriya, pakikilahok ng mga kumpanya sa skills training, work-based learning, oportunidad sa trabaho, digital transformation at paggamit ng artificial intelligence o AI sa edukasyon at pagsasanay.

20c0e1ed-6f7d-402e-b53e-b4ed584c1fd3.jfif2bc7f2b2-61a9-4ddd-84a1-74642ed08f4b.jfif

Kabilang sa mga panauhing inimbitahan sina Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso, Education Secretary Sonny M. Angara, TESDA Director General Francisco “Kiko” B. Benitez, CHED Chairperson Dr. Shirley C. Agrupis, Murang Kuryente Party-list Rep. Arthur Yap at Valenzuela City Mayor Weslie “Wes” Gatchalian.

Binigyang-diin din sa summit ang kahalagahan ng mas angkop na kasanayan at patuloy na pagsasanay ng mga manggagawa, lalo’t umabot sa 83.6 porsiyento ng ekonomiya ng Metro Manila noong 2025 ang ambag ng sektor ng serbisyo.

8025a14a-28bb-4420-a5ff-defae160cce3.jfif

Pangunahing layunin ng pagtitipon ang pagbubuo ng ONE NCR EDUCATION AGENDA, isang pinagsamang plano na maglalaman ng mga prayoridad, rekomendasyon at pangako ng mga sektor para sa mas maayos at tuloy-tuloy na pagpapatupad ng mga programa.

Sa pamamagitan ng mas matibay na ugnayan ng TESDA, DepEd at CHED, inaasahang mas mapalawak ang oportunidad sa pag-aaral at pagsasanay, maiuugnay ang edukasyon sa aktuwal na pangangailangan ng industriya at matutulungan ang bawat mag-aaral na magkaroon ng kasanayang kailangan para sa produktibong trabaho at inklusibong pag-unlad.

bbcf66c5-3ba7-425f-9d30-0d47892ea092.jfif

Facebook Comments