Nagsagawa ang Department of Science and Technology-National Science High School (DOST- PSHS) ng System National Press Conference nitong nakaraang July 30, 2018, para sa idaraos na 2018 PSHS National Copetitive Examination na gaganapin sa darating na Octobre 20, taong kasalukuyan.
Ang deadline naman sa pag susumitte ng aplikasyon ay sa darating na September 14, 2018, ito ay maaring i- download sa www.pshs.edu.ph o tumawag sa (02) 939-7747 o bumisita sa campus na malapit sa inyong lugar.
Ang nasabing Press Conference, ay dinaluhan nina DOST- STII Director Richard P. Burgos, na nagbigay ng Mensahe sa nabanggit na okasyon. Dumalo rin bilang tagapagsalita sina: Executive Director Lilia T. Habacon; Deputy Executive Director, Dr. Rod A. De lara at si Supervising Administrative Officer Mr. Ed Herpert D. Briones.
Sa ginanap na press conference, ipinakita ang System History ng Philippine Sciece High School at ang System Institutional Video nito.
Ang Philippine Science High School (PSHS), ay isa sa nangungunang Science High School sa buong ASIA Pacific Region, na nagbibigay ng scholarship sa mga matatalinong studyante na magaling pag dating sa Matematika, Siyensiya at Teknolohiya.
Ang PSHS, na ang main campus ay itinatag taong 1964 sa ilalim ng Rep. Act 3661, ay itinatag para magkaroon ng Libreng sekondaryang edukasyon sa mga estudyanteng mahilig sa Mathematics, Science and Technology.
Sakaling ikaw ay pumasa sa nasabing Entrance Examination ng PSHS, ikaw ay tatanggap ng benepisyo na: Free tuition Fee, Free Loan of Textbooks, Monthly Stipend at Uniform, Transportation and living allowance, allowances for low income groups.
Sa mga nagdaang taon, ang PSHS ay nag expand at nakapagtayo ng 16 na Regional Campus sa buong bansa.
Sa mga kukuha ng examination sa PSHS, sila ay magkakaroon ng screening process sa pamamagitan ng National Competitive Examination (NCE), na kung saan ang mga estudyante ay nagmula sa halos 10% na nangungunang estudyante sa buong bansa, at sila rin lang ang may karapatan na makapag-exam.
Kada taon, tinatayang nasa 20,000 hanggang 25,000 ang mga estudyanteng kumukuha ng examination subalit, ang makukuha lang dito ay 240 top examinee, na halos nasa 1% lang halos ang ratio.
Ayon pa kay Lilia Habacon, executive director ng Phil. Science High School, ang nakapagtatapos ng grade 12 sa nasabing paaralan ay makakapamili ng magagandang paaralan hindi lang dito sa Pilipinas kundi maging sa abroad. Ang iba umano nilang mga estudyante ay nagko-qualify din sa America, UK, Germany, Singapore, sa Japan at iba pang bansa.