Panawagan: Karapatan sa Kalusugan, Hindi Limos
QUEZON CITY — Sama-samang nagprotesta ang mga health workers, pasyente, labor groups, at iba’t ibang sektor ng lipunan noong Oktubre 3 sa Commission on Human Rights (CHR) upang kondenahin ang umano’y korapsyon sa mga patronage-driven medical assistance programs ng gobyerno. Bitbit ang temang “Nililimos na Karapatan: Ang Bagong Mukha ng Pork Barrel Funds”, iginiit ng mga grupo na imbes pondohan nang sapat ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth), inuuna pa ng pamahalaan ang Medical Assistance for Indigents and Financially Incapacitated Patients (MAIFIP) na may halagang P51 bilyon sa 2026 national budget. Samantala, halos kapantay lamang nito ang inilaang...
Read More