Author: Raffy Rico

Pagbubukas ng Ika-26 Likha ng Central Luzon Trade Fair sa SM Megamall

MANDALUYONG CITY — Pormal na binuksan ang ika-26 na Likha ng Central Luzon Trade Fair sa SM Megamall Megatrade Hall 2 noong Miyerkules, Oktubre 16, at magtatagal ito ng limang araw mula Oktubre 16 hanggang 20. Ang trade fair ay may temang “Sustainable and Innovative Products, Proudly Tatak Pinoy!” at ito ay isang proyekto ng Department of Trade and Industry (DTI) katuwang ang SM Megatrade Hall, PhilExports, CLGCFI, at Regional Development Council-3. Sa loob ng limang araw, maraming aktibidad ang magaganap sa trade fair. May mga nakatalagang safety officers mula Oktubre 16 hanggang Oktubre 20 upang masiguro ang kaligtasan...

Read More

World Pandesal Day: Sen. Imee Marcos at Panfilo Lacson, mga Bisita sa Kamuning Bakery Cafe

QUEZON CITY – Noong Miyerkules, Oktubre 16, ipinagdiwang ang “World Pandesal Day” sa Kamuning Bakery Cafe, na dinaluhan ni Senador Imee Marcos at dating Senador Panfilo “Ping” Lacson. Sa nasabing okasyon, namahagi sila ng 100,000 pandesal at iba pang pagkain sa mga pamilyang mahihirap at mga ampunan sa Quezon City. Ang taunang selebrasyon ay pinangunahan nina Marcos at Lacson, kasama ang iba pang kilalang personalidad, na naglalayong bigyan ng solusyon ang problema sa gutom at ang pangangailangan ng ilang sektor ng lipunan. Sa ginanap na Pandesal Forum, binigyang-diin ni Marcos na bagama’t independent candidate siya, may alyansa siya sa...

Read More

Maj. Gen. Hernia Pinanumpa ang mga Bagong Opisyal ng NCRPO Press Association

CAMP BAGONG DIWA – Kasabay ng pagdiriwang ng ika-4 na anibersaryo ng NCRPO Press Association, pinanumpa ni NCRPO Regional Director Maj. Gen. Sidney S. Hernia ang mga bagong halal na opisyal at direktor ng samahan. Ito ay ginanap noong Martes, Oktubre 15, sa Conference Room ng NCRPO, Camp Bagong Diwa, Taguig City. Narito ang mga bagong halal na opisyal ng NCRPO Press Association: Pangulo: Lea Botones Pangalawang Pangulo: Neil Alcober Kalihim: Nep Castillo Ingat-Yaman: Irwin Corpuz Sergeants-at-Arms: Raffy Rico at Fred Salcedo PRO: knots Alforte Kasama rin sa mga direktor sina Gina Plenago, Nolan Ariola, Joseph Muego, Jojo Sadiwa,...

Read More

Sarah Discaya Nangako ng Kalusugan, Edukasyon, at Pabahay sa Pagka-Mayor ng Pasig

PASIG CITY – Noong Oktubre 11, inanunsyo ni Cezarah “Ate Sarah” Discaya, isang negosyante at pilantropo, na ang kanyang mga pangunahing programa kung siya ay mahalal bilang alkalde ng Pasig ay tututok sa kalusugan, pabahay, at edukasyon. Sa isang press conference na ginanap sa St. Gerrard Corporation sa Barangay Bambang, sinabi ni Discaya na ang kalusugan ang magiging pangunahing prayoridad ng kanyang administrasyon. Ibinahagi niyang marami ang lumalapit para sa libreng gamot, CT scan, at MRI, kaya’t itutuon niya ang pansin sa pagpapabuti ng serbisyong pangkalusugan para sa mga Pasigueño. Isa rin sa mga layunin ni Discaya ang pabahay...

Read More

Filipino Inventor, Tawa-Tawa Ligtas at Epektibo Laban sa Dengue

PASIG CITY – Ayon kay Philip Cruz, pangulo ng Herbanext Laboratory sa Bacolod City, halos ngayon lang sila nakakaranas ng kita matapos ang 25 taon sa negosyo. Nagsimula sila sa industriya ng aquaculture, ngunit noong 2006, nagdesisyon siyang tumutok sa herbaculture dahil sa potensyal nito. Sa kasalukuyan, may 130 empleyado ang kumpanya. Sa ginanap na “Kapihan sa Metro East Media Forum” na inorganisa ng PaMaMariSan-Rizal Press Corps, binanggit ni Cruz na ang halamang Tawa-Tawa ay ginagamit na laban sa dengue sa loob ng 49 taon. Maraming Pilipino ang umaasa dito bilang lunas sa lagnat at dengue, kaya’t nag-focus sila...

Read More

Pormal na Pagtatalaga kay Maj. Gen. Sidney Hernia bilang NCRPO Chief

Opisyal nang umupo si Maj. Gen. Sidney Hernia bilang bagong pinuno ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sa isang seremonya na ginanap noong Miyerkules, Oktubre 9, 2024, sa Camp Bagong Diwa, Lungsod ng Taguig. Pinalitan niya si Maj. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., na ngayon ay itinalaga bilang acting deputy chief for administration—ang pangalawa sa pinakamataas na posisyon sa buong Philippine National Police (PNP). Pinangunahan ni PNP Chief Gen. Rommel Francisco Marbil ang seremonya ng pagpapalit ng tungkulin. Sa Hinirang Hall ng NCRPO, iniabot ni Maj. Gen. Nartatez kay Maj. Gen. Hernia ang pamumuno ng NCRPO. Matatandaang si...

Read More

Pasig Mayor Vico Sotto, Kinasuhan ng Kriminal at Administratibo ng TFK

QUEZON CITY – Inihayag ni Dr. John J. Chiong, founder at presidente ng Task Force Kasanag International (TFK), na nagsampa sila ng mga kasong kriminal at administratibo laban kay Pasig City Mayor Victor Ma. Regis “Vico” Sotto at iba pang mga opisyal ng lungsod. Ang mga kasong ito ay may kaugnayan sa umano’y hindi tamang pagkilos bilang isang pampublikong opisyal, malubhang maling pag-uugali, kapabayaan sa tungkulin, at paglabag sa mga patakaran ng Civil Service Commission. Kabilang sa mga kinasuhan ay sina Priscella Mejillano (OIC ng Pasig City Planning and Development Office), City Engineer Mamerto Mesina, Artaxerxes V. Geronimo (City...

Read More

Atty. Ian Sia, Naghain ng kanyang COC sa pagka kongresista ng Pasig Para sa 2025 Election

LUNGSOD NG SAN JUAN — Dating konsehal ng pasig na si Atty. Christian “Ian” De Guzman Sia, inihayag ang kanyang pagtakbo bilang Independent candidate para sa pagka-Kongresista ng Pasig City sa darating na halalan sa Mayo 12, 2025. Noong Martes, Oktubre 8, huling araw ng paghahain ng Certificate of Candidacy (COC), nag-file si Atty. Sia sa tanggapan ng Commission on Elections (COMELEC) sa National Capital Region sa San Juan City. Kasama niya ang kanyang mga tagasuporta, asawa, mga kaibigan, at kamag-anak. Sa isang panayam, ipinahayag ni Atty. Sia ang kanyang plano na magpanukala ng paglikha ng ikalawang Congressional District...

Read More

Pinoy Ako, Naghatid ng Saya sa Tribong Dumagat Remontado sa Baras

Baras, Rizal — Nagbigay ng kasiyahan at ngiti sa tribong Dumagat Remontado ng Baras, Rizal ang isinagawang medical mission ng PINOY AKO organization noong Sabado, Oktubre 5,. Taos-pusong nagpasalamat ang mga miyembro ng tribo sa tulong na kanilang natanggap. Sa nasabing medical mission, namahagi ang PINOY AKO ng mga t-shirt, de-lata, noodles, 3 kilong bigas, Skyflakes, at iba’t ibang uri ng gamot at bitamina para sa mga bata at matatanda. Ayon kay Ricky Dela Cruz, 42, ang lider ng tribong Dumagat Remontado sa Barangay San Roque, malaking tulong sa kanila ang ganitong klaseng serbisyo dahil bihira silang makatanggap ng...

Read More

Sen. Imee Marcos Nanawagan ng Pagbabago sa Batas sa Pagpapaunlad ng Kooperatiba

ANTIPOLO CITY – Ipinahayag ni Senador Maria Imelda Josefa Remedios “Imee” Marcos noong Miyerkules (Okt. 2) na isinusulong niya ang mga pagbabago sa Cooperatives Development Act upang higit pang mapalakas ang mga multi-bilyong pisong kooperatiba sa buong bansa. Sa pagdiriwang ng ika-19 na Southern Tagalog Cooperative Congress na ginanap sa Ynares Event Center dito sa Antipolo, dumalo si Sen. Marcos at mainit siyang tinanggap nina Vice Gov. Reynaldo San Juan, kasama sina Rizal Gov. Nina Ynares at dating gobernador, na ngayo’y Antipolo City Mayor Junjun Ynares. Sa isang press conference, sinabi ni Sen. Marcos na isa sa mga suhestiyon...

Read More