Chavit Singson: Mapayapang Rebolusyon, Kabataan ang dapat Manguna
SAN JUAN CITY — Nanawagan si dating Ilocos Sur Governor Luis “Chavit” Singson nitong Biyernes (Setyembre 19) sa kabataan na pamunuan ang isang mapayapang rebolusyon laban sa korapsyon sa pamahalaan. Sa isang press conference sa Club Filipino, iginiit ni Singson na ayaw nilang magkaroon ng kaguluhan at ang hangad lamang ay kapayapaan at paglilinis ng gobyerno. Binatikos niya ang umano’y anomalya sa flood control projects, partikular sa Ilocos Norte na nagkakahalaga ng ₱10 bilyon. Tinukoy niya ang St. Matthew Construction na may kontratang halos ₱1 bilyon at St. Gerrard Construction na may ₱600 milyon. Ayon sa kanya, “Paano nila...
Read More