Author: Raffy Rico

3 Gintong Medalya, Panalo ng Pinoy sa Silicon Valley

Santa Clara, California — Muli na namang pinatunayan ng mga Pilipinong imbentor ang kanilang galing matapos mag-uwi ng tatlong gintong medalya sa katatapos lang na 4th Silicon Valley International Inventions Festival na ginanap noong Agosto 8–10, 2025 sa Silicon Valley Convention Center. Mga Gintong Gantimpala: – Unsinkable PortaBoat – Imbentor: Ronald Pagsanghan, Ph.D. – Sambacur Plus – Imbentor: Richard Gomez, CNP at Rigel Gomez, CNP – Sultana Digital Rice Vendo Machine – Imbentor: Jefferson Ong Nagbigay-inspirasyon sa mga kalahok ang pagbisita ng Philippine Consul Rowena Daquipin upang personal na batiin ang mga nanalo. SAMBACUR PLUS: Gawa ng Pinoy, Panalo...

Read More

Bagong Hepe ng KWF, Nangako ng Bagong Direksyon at Malinis na Pamamahala

Malacañang Complex – Pormal nang umupo si Atty. Marites A. Barrios-Taran bilang bagong Chairperson ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) nitong Agosto 11 at agad naglatag ng plano para sa bagong direksyon ng ahensya. Unang tututukan niya ang utos ng Pangulo na “linisin ang sariling bakuran” at palakasin ang mga pangunahing programa: Salin Wika (pagsasalin), Saliksik Wika (pananaliksik sa wika), at Sagip Wika (pagtatayo ng Bahay Wika sa malalayong lugar). Ayon kay Taran, kasama ang mga Komisyoner at empleyado, haharapin nila nang matatag ang mga hamon sa KWF at magsusulong ng pagkakaisa upang magampanan ang kanilang tungkulin. Nanawagan din...

Read More

1,000 Pamilya ng OFW sa Cainta, Tumanggap ng Ayuda mula sa DMW at Mayor Kit Nieto

Binigyan ng Department of Migrant Workers (DMW) at ng Pamahalaang Bayan ng Cainta, sa pangunguna ni Mayor Kit Nieto, ng tulong na relief goods ang 1,000 pamilya na may kamag-anak na OFW. Ginanap ang pamamahagi sa Karangalan Auditorium. Bago mag-umpisa, binigyan muna ng mainit na lugaw ang mga nakapila para sa registration. Kasunod nito, nagkaroon din ng libreng medical check-up. Upang makakuha ng tulong, kailangan magdala ng patunay na nakatira sa iisang bahay sa Cainta kasama ang OFW, kopya ng passport ng OFW, at ID ng kumukuha ng ayuda na may tamang address. Isang miyembro lamang ng pamilya kada...

Read More

PhilHealth YAKAP Program, Pinalawak sa Mandaluyong

MANDALUYONG CITY – Inilunsad noong sabado Agosto 9, ng Pamahalaang Lungsod ng Mandaluyong, sa pangunguna ni Mayor Menchie Abalos, katuwang ang Department of Health – NCR at PhilHealth, ang Yaman ng Kalusugan Program o YAKAP sa Barangay sa City Hall. Layunin ng programa na palawakin ang serbisyong pangkalusugan ng PhilHealth sa iba’t ibang sektor ng lipunan bilang bahagi ng pagpapatupad ng Universal Health Care Law. Ayon sa PhilHealth, ang YAKAP ay dating kilala bilang Konsultasyong Sulit at Tama (KonSulTa) Program, ngunit mas pinalawak ang saklaw at benepisyo nito para sa pamilyang Pilipino. Nagpasalamat si Mayor Abalos sa PhilHealth at...

Read More

Bloom & Brew Horticulture Philippines, Muling Bumida sa Capitol Commons Park

Pasig City – Muling bumalik ang Bloom & Brew Horticulture Philippines sa Capitol Commons Park mula Agosto 8 hanggang 10, 2025, hatid ang makulay na selebrasyon ng paghahalaman at makakalikasang pamumuhay. Tampok dito ang 42 plant partners na magpapakita ng iba’t ibang halaman, gamit sa hardin, at eco-friendly products para sa mga plant lovers at green lifestyle advocates. Binuksan ang event nitong Biyernes, Agosto 8, sa parke katapat ng Estancia Mall, at magpapatuloy mula 10:00 AM hanggang 10:00 PM araw-araw, kahit umulan o umaraw. Isa sa mga tampok na kalahok sa Bloom & Brew Horticulture Philippines ay si April,...

Read More

San Juan, Pinasinayaan ang Makabagong San Juan National Government Center

, San Juan City – Pormal nang binuksan at binasbasan ng Pamahalaang Lungsod ng San Juan ang Makabagong San Juan National Government Center (NGC) noong Agosto 7, 2025. Isinagawa ang isang maikling programa sa Makabagong San Juan Theater sa ika-4 na palapag ng gusali. Pinangunahan ang seremonya nina Mayor Francis Zamora, Congresswoman Bel Zamora, Vice Mayor Angelo Agcaoili, mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod, at mga pinuno ng iba’t ibang departamento ng lungsod. “Ikinararangal kong sabihin na tunay na world-class ang pasilidad na ito. Dito pa nga isinagawa ang Post-SONA meetings kung saan nagkaroon ng mga breakout session ang mga...

Read More

Pagbuo ng Korpus ng Wikang Malaweg, Isinagawa sa Cagayan

Isinagawa ang pagbuo ng Korpus ng Wikang Malaweg noong 14–16 Hulyo 2025 sa Brgy. Poblacion, Rizal, Cagayan. Sinimulan ang gawain noong 14 Hulyo sa pamamagitan ng pagtitipon ng mga miyembro ng komunidad ng Malaweg at pagkuha ng Free, Prior, and Informed Consent (FPIC), na pinangunahan ng National Commission on Indigenous Peoples (NCIP)–Cagayan. Sa araw ding iyon, nilagdaan ang Memorandum ng Unawaan kaugnay ng pananaliksik. Lumagda rito ang mga kinatawan mula sa komunidad, NCIP, at Komisyon sa Wikang Filipino (KWF). Noong 15–16 Hulyo, isinagawa ang koleksiyon ng mga salaysay mula sa mga katutubong tagapagsalita ng wikang Malaweg. Gumamit ang mga...

Read More

ASEAN-BIMSTEC Experts Nagpulong sa Jakarta para sa Agrikultura

4 Agosto, Jakarta, Indonesia – Nagsama-sama ngayong linggo sa mula sa mga bansang kasapi ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) at Bay of Bengal Initiative for Multi-Sectoral Technical and Economic Cooperation (BIMSTEC) upang talakayin ang mga hamon at oportunidad sa pagpapaunlad ng agrikultura na mas inklusibo, matatag sa klima, at konektado sa pamilihan ng rehiyon. Idinaos noong 4–5 Agosto ang Policy Roundtable at Inception Workshop na pinangunahan ng International Food Policy Research Institute (IFPRI), International Fund for Agricultural Development (IFAD), BIMSTEC, Southeast Asian Regional Center for Graduate Study and Research in Agriculture (SEARCA), at Network of Policy Advisors...

Read More

Mga Empleyado ng GOCCs, Nanawagan kay Pangulong Marcos na Ipatupad ang CPCS-2

CLUB FILIPINO, San Juan City — Nanawagan ang mga empleyado mula sa iba’t ibang Government-Owned and Controlled Corporations (GOCCs) kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na agad ipatupad ang ikalawang bahagi ng Compensation and Position Classification System o CPCS-2. Sa naganap na forum ng “The Agenda” nitong Biyernes, Agosto 1, na pinangunahan ni Lolly Acosta, iginiit ni Nanette Jarino-Lati, Pangulo ng Land Bank of the Philippines Employees Association (LBPEA), na patuloy silang nagbibigay ng serbisyo sa kabila ng pagkakait sa ilang benepisyo. Si Lati, na siya ring Executive Vice President ng National Union of Bank Employees Insurance and Finance...

Read More

Ilegal na Pagtatapon ng Dumi sa Kanal, Kinondena ng Pamahalaang Lokal ng Cainta

CAINTA, RIZAL —Mariing kinondena ng lokal na pamahalaan ng Cainta, Rizal ang ilegal na pagtatapon ng dumi ng tao sa mga kanal sa bayan, matapos mahuli sa akto ang ilang indibidwal na sangkot sa naturang gawain. Sa panayam ng grupong  PaMaMariSan–Rizal Press noong Martes July 29, kinumpirma ni Mayor Kit Nieto na isinailalim na sa inquest proceedings ang mga suspek na naaresto nitong Lunes habang isinasagawa ang aktwal na paglabag. “Nakulong sila kahapon matapos mahuli sa akto habang itinatapon ang laman ng septic tank sa kanal. Kanina yata isinailalim na sila sa inquest, pero wala pa akong update kung...

Read More