image

Lucena, Philippines, Agosto 30, 2015 – Muli na namang namayagpag ang Two-timer MILO Marathon Queen Mary Grace Delos Santos sa 21K female race category sa ginanap na 39th National MILO Marathon sa Lucena nitong nakaraang Linggo. Umabot sa 11,500 runners ang nakilahok sa nasabing kompetisyon, kasama si Lucena City Mayor  Roderick Alcala, at ang mga kilalang  celebrities na sina Joross Gamboa, Katya Santos, Jaycee Parker, Jamille Obispo and Zara Lopez. Sila din ay tumakbo sa 5K race.

Si Delos Santos na miyembro ng Philippine Air Force, ay lumamang sa kayang katungali sa oras na 01:25:19., 2nd placer ay si Janice Tawagin (01:38:56) at ang  nakasungkit ng 3rd place ay si Jeanyrose Hari 01:47:39).

Sa male division naman,nanguna bilang 1st place si Ruel Suazo sa 21K sa oras na (01:13:23). Pumangalawa si Alley Quisay (01:15:49),  at si Nimrod Cesar (01:19:2) ay third place.

Magugunitang si MILO Marathon regular Suazo ay dati nang nanalo ng third place sa ginanap na National Finals 2014 National MILO Marathon.

Parehong nag uwi ng halagang P10,000 papremyo at trophy sina Delos Santos at Suazo, na hihintayin na lamang ang National Finals. Kailanganin nilang mag ensayo pang mabuti para mapag-wagian ang darating na National Finals na gaganapin sa Clark, Angeles City  December 6, taong kasalukuyan. Ang magwawagi ng MILO Marathon King and Queen ay ipadadala ng MILO Phililippines sa USA para lumahok at tumakbo sa prestihiyosong 2016 Boston Marathon na lahat ng expenses ay libre. 

imageimageimageimage