13432327_10153583403832478_910743571664398932_n

Tatlong lingo bago pa man lisanin ni Secretary Mario G. Montejo ang kanyang puwesto bilang  pinakamataas na opisyal ng Department of Science and Technology (DOST), isinakatuparan pa rin nito ang nakagawian ng gawin taon-taon ang tinatawag na Science Nation Tour.  Ito ay ang pag bisita sa ibat-ibang sangay ng DOST para alamin ang kalagayan, proyekto, at iba pang pangangailangan ng ibang sangay nito, partikular sa mga SET UP ng DOST.

Nitong nakaraang June 8-10, 2016, muling isinagawa ang Science Nation Tour, Agham na Ramdam, sa pangunguna pa rin ni DOST, Secretary G, Montejo kasama  ang DOST National Media at ibang opisyal at staff mula sa Central Opis ng DOST. Tinungo ng grupo ang CALABARZON.

Sa unang araw ng Science Nation Tour: Pinuntahan ng grupo ang Bacoor Cavite, na kung saan sa pagbubukas ng seremonya, isinagawa ang Ribbon Cutting ng Street Food Festival, at kasunod nito ang pagbubukas naman ng  Science Nation Tour. Sa opening remarks, itoy pinangunahan ni Engr. Raul D. Castañeda, DOST PSTC Cavite. Nagbigay naman ng mensahe si Hon Lani Mercado Revilla , Congresswoman , 2nd District of Cavite, na magiging Mayor na ng Bacoor Cavite dahil sa pagkakapanalo sa nakaraang eleksiyon nitong 2016. Si Regional Director Dr. Alexander R. Madrigal naman ng DOST IV-A  ang nagpakilala sa pangunahing tagapagsalita na si DOST Secretary Mario G. Montejo, na kung saan itinuring na adopted son ng Bacoor City, ayon kay Mayor Strike Revilla at Bagong Mayor elect na si Lani Mercado Bautista.

Tuloy-tuloy ang naging aktibidad. Nagkaroon ng Press briefing mula sa National at Local Media si Sec. Montejo, Lani, Mercado Bautista at iba pang opisyal ng DOST at  ng local na pamahalaan. Pagkatapos ng press conference, nagsagawa ng SET UP Project visit si Sec. Montejo kasama si Mayor Elect Lani Mercado Bautista, ibang opisyal ng DOST at staff, national at local media sa LAMACO, FARMTECH at sa AMIRA’S. Pagkatapos nito, tinungo naman ng grupo ang Club Balai Isabel Talisay Batangas para doon na magpahinga at matulog.

Kinabukasan sa ikalawang araw ng aktibidad, sinakyan ni DOST Secretary Montejo at sinaksihan nina Regional Director Madrigal, DOST IV-A, Dr. Tirso A. Ronquillo, President, Batangas State University, Dr. Vicente E. Tomazar, Regional Diretor, OCD IV-A, at local na opisyal  ang TOAD. Ito ay tumatakbo sa lawa na magsisilbing Patrol car sa tubig maging sa lupa, na dinesenyo at binoo ng mga Batangas State University students at profesor, at pinondohan ng DOST-PCIEERD. Kasunod nito ang RDC Full Council Meeting sa pangunguna pa rin ni Secretary Montejo at ng RDC CALABARZON officers and Members.

Pagkatapos pinuntahan ng grupo ang EO Tan Hall, PCAARRD, Los Baños, Laguna. Dito, naka-sentro ang programa sa Revitalization of Makapuno Industry sa Region IV-A: Nagkaroon ng Audio-Visual Presentation hingil sa makapuno brand, Forum tungkol sa Guidelines/ Policies on the use of the Philippine Makapuno Trademark at awareness on IP Protection thru Trademark.  Isinagawa din ang Makapuno Brand Launching, kasunod ang Unveilling of Makapuno Seal of Quality. Nagkaroon din ng STARBOOKS Orientation/ Training, at kasabay nito ang Awarding of STARBOOKS, Audio-Visual Presentation at ang Awarding of Certificate of Stewardship sa mga natatanging opisyal ng DOST sa pangunguna ni Sec Mario Montejo DOST, mga Regional Director mula sa CALABARZON, PSTC Regional Director at DepEd Regional Director.

Sa huling bahagi ng programa sa Laguna, ay ang Paglulungsad ng Roll-out ng 1,000 RxBox: Nagkaroon ng Audio-visual Presentation, Demonstration of RxBox, Introduction of the new features of RxBox, Online Monitoring System, Launching /Ceremony, at pinakahuli ay ang Commitment Board Signing.

Sa pangatlo at huling araw ng Science Nation Tour, dinayo ng grupo ang Laguna State Polytechnic University sa Sta Cruz, Laguna, na kung saan nagsagawa ng project visit sa Bugong para sa facility tour. Dito nagkaroong Ribbon Cutting para sa launching at pagbubukas ng C-Fosh, nakaroon din ng C-Fosh viewing at Product Testing.

Si Dr. Nestor M. de Vera, President LSPU naman ang nag welcome sa mga Guest at Speaker. Sa overview ng DTI-SSF Program ni Marilou O. Toledo. Introduction ng guest speaker ni Dr. Urdujah Tejada, Asst. Secretary, DOST. Ang inspirational message naman ni Secretary Mario G. Montejo ng DOST, kasunod nito ang introduction naman ng guest speaker ng  DTI mula kay DTI, Usec. Zenaida Cusion-Maglaya at ang  Mensahe ni DTI Secretary Adrian S. Cristobal, Jr.. Kasunod naman nito   ang Acceptance Speech for the C-Fosh Facilities ni Mr. Clarke S. Nebrao, President, Association of the Laguna Food Processors. Launching ng SSF Analytical Testing Laboratory at ang MOA Signing ng SENTRY Project.

Huling tinungo ng Grupo ang Rizal Province. Sa unang bahagi isinagawa ang Ribbon Cutting para sa Gusaling Sibol, Opening of Food Testing Laboratory for SMEs (ONE Food Laboratory in Rizal Province), kasunod ang welcome Remark ni Hon. Rebecca A. Ynares na binasa ng Vice Gobernor,. Acceptance speech for the food Testing Lab. ni Dr. Marita R. Canapi, President, University of Rizal System at ang pinakahuli ang MOA sIgning of SENTRY Project at ang Press Conference.(Click picture below to enlarge)  

13418774_1154590187915649_197689179525172572_n13418943_1154590041248997_4817322315092785334_n  13442223_10153583403662478_1985134834119875370_n13442283_10153583403187478_155928388834232822_n

13450891_282714765450894_6442938196068531768_n13442388_10153583403927478_5581522275516377402_n